CHAPTER 39

671 13 0
                                    

This chapter is dedicated to bnbng_amriwp and Esmae_18 thank you so much po!

ACYLLE'S POV

May kirot akong naramdaman sa ulo ko nang magising ako.

“Daddy, gising na po si mommy!” Sigaw ng anak ko.

Dinilat ko ang mata ko at nilibot. Na sa bahay ako. Paano niya nalaman ang bahay namin? Umupo ako ng pa-idian sit sa kama. Sunod ko namang tinignan ay ang suot kong damit. Nakabihis na ako. Ang buhok ko rin ay hindi na nakatali, maging ang make up ko ay burado na. Siya ba ang nagbihis sa akin? Ibig sabihin....

“Mabuti naman gising ka na,” aniya bago umupo sa gilid ng kama.

“Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman ang bahay ko? Ikaw ba ang nagpalit sa akin? Anong ginawa mo sa akin?” Sunod-sunod na tanong ko habang nakatakip ang magka-cross kong kamay sa dibdib ko.

Mahinang tawa lang ang sinagot niya. Kumunot ang noo ko sa inis.

“Sumagot ka! Huwag kang tumawa!” Inis na anas ko.

“Mommy, don't shout daddy. He's tired na po. He cooked for us tapos he carry you pa po,” kampi sa kaniya ng anak ko.

“Baby, labas muna ikaw mag-uusap lang kami ni mommy, ha,” utos niya rito. Tumango ang anak ko at lumabas. Bakit sa kaniya ang bilis sumunod?

“Ano namang pag-uusapan natin?” Mataray na tanong ko. Inayos ko ang pagkakalapat ng kumot sa hita ko.

“Una, nandito ako dahil dito na ako titira. Pangalawa, nalaman ko ang bahay mo dahil tinuro ng anak natin, at pangatlo, ako nga ang nagpalit ng damit mo pero wala akong ginawa sa'yo. Wala naman sigurong mali kung ako ang magpapalit sa'yo dahil nakita ko naman na 'yang katawan mo.” Hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya sa huli niyang sinabi o ano. Basta kumunot na naman ang noo ko.

“Hindi ka namin kailangan ng anak mo kaya puwede ka ng umuwi, Hammer.” Malamig na saad ko bago humiga at magtalukbong ng kumot.

“But your daughter need me.” Inalis ko ang pagkakataklob ng kumot at humarap sa kaniya.

“Kaya ko siyang palakihin mag-isa kaya umalis ka na!” Pagtataboy ko sa kaniya at muling nagtalukbong.

“Can you please stop being hardheaded woman, Acylle? Anak ko rin naman si Astrea! May karapatan din ako sa kaniya!” Nahihimigan ang pagka-irita sa kaniyang boses.

Nagpantig sa tainga ko ang sinabi niya. Nagtangis ang bagang ko. Inalis kong muli ang kumot na nakabalot sa katawan ko sabay umupo.

“Anong pinagsasabi mong karapatan? Hindi ba ikaw na ang may sabi na malas si Astrea dahil nagkaroon siya ng ina na kagaya ko? Ibig sabihin no'n wala ka ng karapatan sa buhay namin ni Astrea dahil kung malas siya na nanay niya ako, malas ka rin na nakilala mo ako!” Ang sakit sa dibdib pakawalan ng mga salitang 'yon. Tapos ngunit mabigat. Isa pa, magkakaroon na rin siya ng anak kay Tiarra. Ano pa bang gusto niya sa akin?

Napahilamos siya ng mukha niya sabay yuko. Suminghap siya bago i-angat muli ang ulo niya at tumitig sa mata ko. Nakikiusap ang titig niya habang ako naman ay galit.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon