CHAPTER 18

557 14 5
                                    

HAMMER'S POV

Paikot-ikot ako sa loob ng bahay. Kahapon pa simula nang sumama si Acylle sa matandang 'yon hindi pa rin bumabalik. She texted me na may pupuntahan daw sila pero hindi niya sinabi kung saan. Nag-aalala na ako. Wala pa naman akong alam kung saan ko siya hahanapin. I tried to call Lucille but she's not answering her phone.

Where the hell are you, my queen?!

Pinag-aalala mo naman ako ng husto, Acylle! Sana pala hindi ko na lang siya pinayagan. Nahihiya lang ako sa matanda na lumapit sa amin kahapon. Damn! Kailangan niyang makabalik mamayang gabi! Isang araw na lang kasal na namin!

What if kinidnap siya?

What if kinulong nila siya para hindi maikasal sa akin?

What if binubugbog na siya ng Gavion na 'yon ngayon?!

No! No! No!

I have to find Acylle! Kailangan ko siyang makita para mabawasan ang pag-aalala ko. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko!

“Saan ka pupunta, iho?” Usisang tanong ni nanay Merinda.

“Hahanapin ang asawa ko, nay.” Nagmamadaling sagot ko.

“Aba'y hindi pa rin ba natawag sa iyo?” Umiling ako. “Hanapin mo na, Diyos ko! Baka mamaya kung ano ng nangyari sa asawa mo!”

Kabado na rin si nanay. Siya ang kasama kong naghihintay kay Acylle simula kagabi. Lahat kami nag-aabang sa pinto ngunit walang Acylle na kumatok. Nilulukob na ako ng pag-aalala ngayon. Handa akong halughugin buong lugar makita lang siya.

I grabbed my coat as well as my key. Dali-dali akong naglakad palabas ng bahay. Pumunta ako sa parking area ko. Pa-bahala akong nagbukas ng kotse. Kahit ano na lang ang goal ko naman ay mahanap ang asawa ko. Nag-drive na ako palabas ngunit hindi pa ako nakakalabas nang makita ko ang pamilyar na kotse. Napahinto ako at napalabas ng kotse ko.

“What is he doing here?!” Inis na tanong ko.

Pumarada ang kotse sa harapan ko at lumabas si daddy na salubong ang kilay. Parehong-pareho kami ng expression ngayon. Salubong ang kilay dahil nagmamadali ako tapos siya, ewan bakit salubong kilay niya.

“Pumasok ka sa loob!” Mariin na utos niya habang nakaturo sa bahay.

“Mamaya na tayo mag-usap may hahanapin ako,” suway ko sa utos niya. Binuksan kong muli ang pinto ng kotse ko.

“Hammer Coulter!” Mas mariin na ngayon ang banggit niya sa pangalan ko.

Pinihit niya ako paharap sabay kwenelyuhan ako at sinandal sa kotse. Nagngangalit ang mata niya na nakatingin sa akin, sobrang talim. Galit na galit animo'y may nagawa akong hindi maganda sa kaniya.

“Pumasok ka sa loob!” Pinanlakihan niya ako ng mata.

Napalunok ako sa takot. Hindi ako natatakot sa salita niya, natatakot ako na baka idamay niya si Acylle sa galit niya. Wala akong choice kung 'di tumango na lang.

Binitawan niya ako at na-una ng pumasok. Saka ko lang napansin na kasama niya pala si kuya. Nakangisi ito sa akin. Mukhang nag-team up na naman silang dalawa para sermonan ako.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon