This chapter is dedicated to eutonywrites_, astrayjules, and kzller_Sol thank you so much po!
ACYLLE'S POV
Hindi pa nawawala sa isip ko ang pagbabanta sa akin ni Tiarra. Sa tuwing maaalala ko iyon ay kumakalabog ang dibdib ko. Nagiging malamya tuloy ako sa lahat ng bagay at maging si Hammer ay napapansin iyon. Nakikita niya ang biglang pagbabago ko. Hindi ko rin maintindihan bakit kabado ako ng husto. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Natutulala na lang ako minsan habang iniisip kung ano ang mga posibleng mangyari. Kilala ko si Tiarra. Nalaman ko na ang mga gimik niya kaya naman alam kong may mas lala pa sa mga iyon. Natatakot lang ako na baka idamay niya si Astrea. Inosente ang bata at walang kinalaman sa away naming dalawa. Hindi ko rin magawang sabihin kay Hammer dahil baka isipin ni Tiarra na nagtatago lang ako sa likuran nito palagi.
Kung nalusutan ko ang unang kalokohan niya, hindi na ako sigurado kung malulusutan ko ito. Mas lalo lang tuloy nagugulo ang isip ko. Nahihirapan akong mag-focus sa mga bagay-bagay lalo na sa trabaho ko. Ilang araw ng kulang ang tulog ko. Umiisip ako ng solution kung sakali mang darating ang iyon ngunit hindi ko naman alam kung ano ang na sa isip niya.
“Acylle! Mali na naman 'tong gawa mo!” Reklamo ni Hammer sa pinasa kong papel.
“H-Huh? S-Sorry. Uulitin ko na lang.” I grabbed the paper from his hand.
Nagsalubong ang kilay niya. “May problema ba? I don't think may problem sa ating dalawa. May nagawa ba akong mali na at naging cold ka na lang bigla sa akin? Tell me.”
Mabilis akong umiling. “W-Wala! Wala naman! P-Pagod lang ako, Hammer. Marami rin akong iniintindi bilang isang nanay.” Yumuko at naglakad pabalik sa upuan ko.
“Iyan ba ang reason kaya tila tinutulak mo na ako palayo sa'yo ngayon?” Napatingin ako sa kaniya.
“Ilang araw na akong na-iisip kung ano bang nagawa kong mali at tila iniiwasan mo ako. Wala naman akong maalala na pinag-awayan natin the day before ka umalis sa office ko. Hindi ba ayaw mo pa ngang ihatid kita that time? Ano bang reason? May nagawa ba akong mali? Are you avoiding me because of your family or because you don't want me anymore?” Nang titigan ko ang mata niya, puno ito ng pagsusumamo.
“Wala! Wala ka namang ginawang mali! Pagod nga kasi ako! Ayon lang! Huwag ka na ngang mag-isip ng kung ano-ano diyan!” Depensa ko sa aking sarili.
“I know. I believe in you! Naniniwala ako sa lahat ng sinasabi mo!” Bumuntong-hininga na naman siya. “It's just... ang hirap mo kasi basahin. Masaya pa naman tayo pero bigla kang nagbago na parang may malaking kasalanan ako sa'yo.” Nalukot ang mukha niya sa lungkot.
Napayuko na rin ako sa guilt. Ang hirap don lara sa akin dahil hindi ko masabi sa kaniya ang rason. Ayaw kong madamay siya sa away naming dalawa ni Tiarra. Ako lang dapat ang umiintindi sa bagay na 'to.
“Sorry.” Salitang nasabi ko matapos niyang magsabi ng napakahaba. Ngumiti na lamang siya at tumango.
Pareho naming binalik ang attention namin sa trabaho. Malapit na naman lumabas ang result ng ratings ngayon kaya nagdo-double work talaga ang lahat ng employee. Ginagawa ko rin ang parte ko kahit minsan talagang nalulutang ako sa kakaintindi sa sinabi sa akin ng bruhang babae na iyon. Panay ang buntong-hininga ko at hindi ako mapakali. Kahit anong pilig ng ulo ko hindi talaga ako makapag-focus. Mariin kong sinabunutan ang sarili ko sa pag-aakala na babalik na ako sa wisyo ngunit naka-ilang beses na akong sabunot gano'n pa rin. Gulo-gulo na ang buhok ko.

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...