CHAPTER 14

804 23 0
                                        

ACYLLE'S POV

Kababa ko lang ng hagdan at mga busy na katulong ang agad na bumungad sa akin. Parang invisible lang ako sa kanila, hindi na rin ako nag-abalang iparamdam ang existence ko. Wala na si Hammer, pumunta siya sa opisina ng daddy niya. Babalik naman daw siya mamayang tanghali kaya maghihintay na lang ako.

"Magandang umaga po!" Masiglang bati sa akin ng isang katulong.

"M-Magandang umaga," naiilang na bati pabalik ko. Of all maid siya lang ang bumati sa akin.

"Ready na po ang breakfast niyo, ma'am. Pumunta ka na lang po ng kusina."

"Uhm... h-hihintayin ko na lang si Hammer." Ang awkward naman kausap ng mga 'to.

"Sabi po ni Sir sa amin kapag iyan ang sinabi mo huwag mo na raw siya hintayin dahil matatagalan siya ng uwi."

"Busog pa kasi ako, eh," dahilan ko na naman.

"Sabi rin po ni Sir kapag sinabi mo 'yan sabihin namin na wala ka pang kain simula kagabi."

Putcha!

"May dahilan pa po ba kayo para hindi kumain?"

Kinamot ko ang aking leeg. "Sabi ko nga wala na. Tara na nga!" Na-una na akong maglakad papuntang kusina.

Nakasunod lang siya sa akin habang papunta ng kusina. May mga ibang maid na binabati ako pero ang iba, deadma talaga. Baka may gusto sila kay Hammer kasi kung titignan puno ng make up ang mukha nila. As if naman patulan sila ni Hammer. I mean, hindi ko alam kung bumabase sa hitsura si Hammer pero kasi talo na agad sila kung 'yon ang basehan. Isa pa, kilala ko si Hammer. Hindi siya magkakagusto sa bastang babae. Hindi naman ako bastang babae lang 'no.

Pinaghila ako ng isa pang katulong ng upuan tapos pina-upo. Hinain nila sa akon lahat ng pagkain na sabi nila ay pinaluto ni Hammer. At talagang kilala na niya ako. Alam niya ang mga paboritong pagkain ko. Habang kumakain ako, napapansin ko ang mga matang kakaiba ang tingin sa akin. Ang hirap kumain ng ganito. Pakiramdam ko binabantayan nila bawat subo ko tapos sasabihan ako ng patay gutom kapag malaki, sasabihan ng pabebe kapag maliit, nakakainis. Binaba ko ang kutsarang may lamang kanin at tinignan ang apat na katulong na nakatayo sa gilid ko. Ang isa sa kanila ay matanda, mukhang matagal na rito.

"M-May problema po ba kayo sa akin?" Magalang na tanong ko upang hindi magsimula ng gulo.

Napaiwas sila ng tingin. Mukhang may problema nga talaga sila sa akin. Feeling ko hindi ako welcome sa bahay na 'to.

"Okay lang naman po kung sasabihin niyo sa akin ang problema niyo. Wala naman pong kaso 'yon sa akin."

Bait-baitan mode muna tayo.

"Wala naman po kaming problema sa iyo, ma'am. Hindi lang po kami makapaniwala na girlfriend ka ni Sir Hammer."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Seems like she's telling something.

"Oo nga po. After 6 years kasi ngayon na lang ulit siya may pinakilalang babae rito."

"Isa pa po, natatakot lang kami na baka kapag naging close na po ulit namin ikaw, mag-iba ang takbo ng hangin. Gaya no'ng ginawa nang ex ni Sir. Kinuha niya lang po ang loob naming mga katulong tapos umalis po siya dala-dala ang mga mamahaling gamit ni Sir."

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon