ACYLLE'S POV
Pauwi na kami ngayon. Halos isang buwan din kaming nag-stay sa hotel. Magbabayad sana kami ng extension fee kaso nalaman namin na binayaran na raw at mukhang si Gray ang nagbayad. Supportive talaga silang dalawa sa isat-isa. Hindi ko pa sila gano'n ka-kilala. Talagang nakikita ko lang na through ups and downs talaga nagdadamayan sila. Sabi nga ni Hammer only Abo can appreciate his effort. Si Abo lang daw ang proud sa kaniya kapag may nagagawa siyang maganda. The fact that he's good at everything but his own parent can't appreciate those thing.
Matanda na si Hammer para maranasan ang gano'ng trato. Ang akala ko noon sa mga bata lang nag-i-exist ang gano'n. Iyong mga teenager na ginagawa ang lahat para mapatunayang kaya nilang i-ahon ang pamilya nila sa kahirapan pero binababa naman sila ng magulang nila. It's so heartbreaking when your own parents is the reason why you're having a mental breakdown.
“Acylle!”
“Baby!”
“My queen!”
“Acylle baby my queen, pansinin mo naman ako!” Maktol niya habang nagmamaneho. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tulala.
“Ano ba 'yon?” Iritang tanong ko.
Sumimangot siya. “Gagalit ka na naman sa akin! Tinatawag lang naman kita, eh!” Suminghot-singhot niya—umiiyak kunwari.
I rolled my eyes. “May iniisip lang kasi ako, nawala tuloy!”
“Ako ba 'yang iniisip mo, ha?” Sinundot niya ang tagiliran ko. “Ikaw, ha magkasama na nga tayo iniisip mo pa ako, yie! Huwag kang ganiyan, my queen lalo akong kikiligin!” Panunudyong asar niya sa akin habang sinusundot ang tagiliran ko.
Hinampas ko ang kamay niya. “Tigilan mo nga 'yan! Asa ka namang isipin kita, tss!” Masungit na ani ko.
Sumeryoso bigla ang mukha niya. “So, iba ang iniisip mo? Hindi ako? Sino? Iyong ex mong gago? Hmp!” Hininto niya ang pagmamaneho ng sasakyan sabay halukipkip.
I looked at him in disbelief. Talagang nagawa niya pang magtampo sa kalagitnaan ng biyahe namin. Narinig ko ang pag-busina ng kotse sa likuran kaya naman kinurot ko siya sa may biceps niya.
“Ano bang ginagawa mo?! Magmaneho ka na nakaka-distorbo ka ng mga bumi-biyahe sa likod!” Sermon ko sa kaniya. Sunod-sunod ang naging busina ng na sa likuran namin.
“Kiss mo muna ako para hindi na ako magtampo.” Put—
“Talaga bang gaganiyan ka pa ngayon, Hammer?!” Inis na tanong ko.
“Oo! Kasalanan mo na hindi ako ang iniisip mo!” Sinandal niya ang likod niya sa upuan. “Ang sarap pala mag-chill 'no? Hayaan mo sila maghintay, naghihintay din naman ako sa kiss mo.” Pilyo niya akong nginitian sabay pumikit.
“HOY! ANO BA 'YAN?! BAKA GUSTO NIYO NAMANG UMUSOG DIYAN SA UNAHAN!”
“OO NGA! NAKAKA-DISTORBO KAYO NG MGA NAGHAHANAP BUHAY!”
“HOY! KUNG AYAW NIYO MAGMADALI, MAGPA-UNA KAYO!”
Sigaw mula sa likuran. Inis akong tumingin kay Hammer na tila walang naririnig. Tangina ng lalaking 'to kapag tinopak akala mo hindi lalaki. Napapadyak na lang ako at sumuko. Hinalikan ko siya sa labi, nagmulat naman siya ng mata.
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...
