LUCILLE'S POV
Wala sa oras kaming napatakbo ni Gray sa bar kung nasaan si Hammer ngayon. Tinawagan lang ako ni Tiarra na hindi raw nila maawat, nagwawala raw ng husto. Hating-gabi na pero pinilit pa rin namin ni Gray. Baka kung ano na ang mangyari kay Hammer.
"Hammer!" Agad na tawag sa kaniya ni Gray nang makapasok kami sa club.
Nakapalibot na lang sa kaniya ang mga tao, maging ang mga bouncer hindi na magawang makalapit. Napapitlag ako sa takot ng ihagis niya ng malakas ang isang upuan. Natamaan nito ang mga alak na nasa mess kaya nabasag.
"Fuck! What happened to him?!" Dali-daling pumunta sa likuran niya si Gray pagkatapos ay inawat siya.
"Tangina, anong nangyayari sa'yo?!"
Nilingon niya si Gray sabay natawa. Maga ang mata niya hindi ko alam kung dahil ba sa ka-iiyak.
"Gray, dude!" Hinampas niya sa balikat ang kaibigan.
"Tangina, anong nangyari sa'yo?!" Tanong muli ni Gray.
Umiling lang siya sabay tumawa. Inalalayan siya ni Gray sa braso dahil natutumba na siya sa kalasingan. Lumapit na rin ako. Kasunod ko naman si Tiarra na nanginginig pa sa takot.
"Ano bang nangyari sa kaniya?" Nag-aalalang tanong ko kay Tiarra.
"I-I don't know! Basta... bast umiinom lang 'yan kanina tapos nilapitan ko then... umiyak siya tapos nagwala na. Hindi ko siya maawat kaya... kaya tinawagan ko na kayo!" Niyakap niya ang kaniyang sarili sa takot.
I patter her shoulder. Kahit naman siguro ako matatakot. Hindi ko pa nakikitang nagkakaganito si Gray pero kung sakali man, matatakot ako.
"Sir, what about the damage? Ang dami po niyang sinira, oh." Turo ng manager yata sa paligid.
Oo nga naman. Ang daming nasira. Ang daming basag na bote tapos may mga sirang lamesa pa. Halatang hindi biro ang pinagdadaanan ni Hammer. Pero, nasaan naman si Acylle? Bakit wala ang bruha na 'yon? Dapat siya ang unang makaalam ng ginawa ng magiging asawa niya.
Binayaran ni Gray ang mga nasira ni Hammer bago kami lumabas ng bar. Inaalalayan nila ni Tiarra si Hammer habang ako naman ay na sa unahan. Ako na ang nagbukas ng pinto sa backseat kung saan namin pina-upo si Hammer. Sa tabi niya na rin umupo si Tiarra. Pinagbuksan ako ni Gray ng pinto at ng maka-upo na ako ng maayos saka lamang siya pumasok ng kotse. Tahimik lang kami. Minsan ay sinusulyapan ko si Hammer sa rearview mirror na may kung ano-anong binubulong. Kanina ko pa tinatawagan si Acylle pero hindi siya sumasagot. Nag-aalala rin ako para sa kaniya. Nag-away ba silang dalawa? May nangyari bang hindi maganda?
Pota! Ngayon alam ko na ang feeling ng ma-stress sa love life ng iba!
"HOY, LUCILLE!" Sinipa ni Hammer ang likuran ng upuan ko.
"Fuck, Hammer don't kick my wife or I will kick you out of this car!" Pagbabanta niya sa kaibigan.
Hinawakan ko ang braso niya at inilingan. Inikot ko ang katawan ko kay Hammer.
"Alam mo ba, ha?! HAHA! PUTANGINA!" Malakas na mura niya sabay padyak. "Tangina no'ng pinsan mo! Putangina!" Malakas na mura niya.
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...