CHAPTER 8

1.1K 32 1
                                        

This chapter is dedicated to Maria_Crstna thank you for reading! Congratulations dahil ikaw ang unang nagpa-dedicate, yehey!

ACYLLE'S POV

Kagigising ko lang. I was about to leave the room when I was stopped because Hammer suddenly walked by. Our eyes met and he smiled mischievously.

"B-Bakit ganiyan ka ngumiti?!" Taray-tarayan ko. Biglang bumalik sa isip ko ang ginawa kong paghalik sa kaniya.

Ang kapal ng mukha mong halikan ang boss mo, self!

"Nothing. Good morning!" Ngumiti siya sabay kumindat.

Buong akala ko ay aalis na siya ngunit nag-stay lang siya na nakatayo sa puwesto niya. Tinitigan ko siya ng may pagtataka, hindi ko alam kung ano ang na sa isip niya. Sinundan ng mata ko ang mata niyang unti-unting bumababa ang tingin. Gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko ng dumako ito sa labi ko. Nang-aasar niyang kinagat ang ibabang labi niya.

"Last night, someone grab me then kiss me just because I insist she's already drunk." Naglakad siya palapit sa akin. Sunod-sunod akong napalunok.

"H-Huh?" Maang-maangan ko.

"Until now I can still feel the softness of her lips. I can still taste her sweet lipstick left on my lips when she kissed me." Tuluyan na siyang nakalapit sa akin, isang dangkal ang pagitan namin.

My heart went wild. It looks like horses are racing in it. I gulped continuously when he took another small step. Kaba ang una kong naramdaman habang nakatingala sa kaniya. Hindi na-aalis ang ngiti niyang punong-puno ng kalokohan. Humakbang pa ulit siya ng isang beses na naging dahilan ng pagkawala ng balanse. Muntik na akong matumba, mabuti't mas mabilis ang kamay niyang bumalot sa baywang ko. Lalong domoble ang kaba ko dahil doon.

"You are such a bad girl, Acylle." Hinagod niya ang hinlalaki niya mula sa aking ilong pababa sa aking labi.

My knees become weak because of what he did. My lips suddenly trembled. Hindi na ako makatingin ng deretso sa mata niya. Occupied ang utak ko ng samo't saring scenario.

Nilapit ang kaniyang bibig sa aking tainga. Tumayo ang balahibo ko dulot ng kiliting naramdaman ko nang tumama ang hininga niya sa aking leeg.

"Do not play with me, my dear assistant. Don't play me just because I have feelings for you. Hindi mo alam kung sino ang kalaro mo." May diin na bulong niya. Lalo pa akong nanghina sa binitawan niyang salita.

"I-I... I am n-not playing with y-you, S-Sir." I am not stuttering.

"You shouldn't, talagang bibigyan kita ng baby kapag ginawa mo 'yon." Ngumiti siya sabay pisil ng aking pisngi.

"Brush you teeth tapos pumunta ka na sa kusina. I already cook our breakfast." Inalis niya ang pagkakapulupot ng kamay niya sa baywang ko. "You're such an angel with devil mind kapag lasing, ha!"

My face turned red. I don't know if what he said was a compliment or a tease. Umalis na siya, basta lang akong iniwan. Sa wakas kumalma na rin ang puso ko. Akala ko malalagutan na ako ng hininga dahil sa tindi ng tibok nito. Sumisikip ang aking paghinga dahil sa ginawa niya. Siya yata ang magiging dahilan ng pagkakasakit ko sa puso!

Pumasok ako sa cr sabay humarap sa salamin. Tumambad sa ang pulang-pulang mukha at tainga ko sa repleksyon nito. Binuksan ko ang faucet at naghilamos. Para akong kamatis sa sobrang pula ko. Muntik na nga akong naging mansanas naawa lang yata sa akin ang sarili ko. Matapos kong basahin ang buong mukha ko ng tubig umangat muli ako at tumingin sa salamin. Bahagya ng nabawasan ang pagkapula. Bwiset na Hammer 'yon! Ang lakas ng loob niyang i-tease ako! Hindi puwedeng hindi ako gaganti!

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon