CHAPTER 4

903 23 3
                                    

ACYLLE'S POV

Naging maganda ang ilang araw na takbo ng buhay ko rito sa isla. Parang ayaw ko na ngang umuwi dahil nasasanay na ako. Palagi lang akong sumasama kay Hammer tapos tutunganga lang naman ako sa construction site.

“Sir, magkakaroon po mamaya ng party Palm night club, gusto niyo po ba pumunta?” Tanong sa amin ng lalaking nag-deliver ng pagkain.

“Nightclub?” Kunot-noong tanong ni Hammer.

“Opo, maganda po roon. 45 minutes lang naman po ang biyahe papunta roon.”

“No/Yes!” Sabay na sagot namin.

“What?!” He looked at me.

“Oh? Bakit? Gusto kong pumunta, eh! Pupunta ako, hayaan mo na lang siya.” Kumikinang ang mata ko sa excitement.

“You are not going, Acylle.” Mariin niyang saad kasabay ng pagtangis ng bagang niya.

Mataray ko siyang tinitigan. “At bakit naman hindi, aber? Gusto kong pumunta, eh! Anong magagawa mo?” Ilalaban ko ang karapatan ko.

“Because I said no at kapag sinabi ko, masusunod.” Tumingin siya sa lalaki. “Hindi siya pupunta. No reservation for us, thank you.”

“Pupunta ako, kuya. Magbabayad po ako.”

“Acylle!” He looked at me sharply. “She's not going.“

“Pupunta ako, Hammer. Hindi kita tatay kaya huwag mo akong pagbawalan!”

“That's the point, I am with you at kargo kita. Hindi mo man ako tatay sa akin ka naman pinagkatiwala ng pinsan mo!”

“Oh? Share mo lang? Basta pupunta ako kuya!”

“Hindi siya pupunta!”

“Pupunta ako!”

“Acylle, sinabi kong hindi!”

“Hammer, sinabi kong pupunta ako!”

“Ano po ba talaga pupunta o hindi?” Kamot-ulong tanong ng naguguluhang lalaki sa amin.

“Hindi/pupunta!” Sabay na bulyaw namin.

Nagtitigan kaming dalawa ng masama. Tila may kuryenteng namamagitan sa amin. Hindi ako nagpatalo, walang babae ang nagpapatalo. Kapag gusto ko, gusto ko! Ilalaban ko kung ano ang dapat kong ilaban. Sa bandang huli siya rin ang sumuko.

“Bahala ka na sa buhay mo. You're old enough.” Padabog siyang umalis.

“Alam ko!” Pahabol na anas ko.

“So, pupunta ka, ma'am?”

Seryoso kong tinitigan ang lalaki. “Ano bang narinig mo?” Mataray na tanong ko. Kinamot niya ang kaniyang batok.

“Sabi ko nga po pupunta.” Sumimangot siya. “Bakit kasi ako ang na-assign sa dalawang 'to? Parang mag-asawa kung mag-away!”

“Hindi ko nga siya asawa, punyeta!” Talagang sinusubukan ng mga 'to ang pasensya ko.

Natahimik na ako ng umalis ang lalaki. Hindi na rin bumalik si Hammer simula no'ng umalis siya. Wala naman akong pake kasi malaki na siya. Naghalungkat na lang ako sa mga gamit ko ng puwede kong isuot papuntang party mamaya. Need kong uminom ng alak. Sabi nila, ang mga taong lasing daw nagsasabi ng totoo. Gusto kong ilabas ang sama ng loob ko sa pag-inom. Wala naman akong nakikitang mali. Hindi rin ako magpapasobra ng inom. Aalisin ko lang talaga ang sakit na nararamdaman ko.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon