CHAPTER 37.1

983 20 1
                                        

This chapter is dedicate apigneverfly and Surgeon_is_here thank you po!

Continuation....

ACYLLE'S POV

Nakatulala ako habang nakatingin sa kape na nakahain sa harapan ko. Simula nang lumabas ako sa company ni Hammer wala ng ibang tumatakbo sa isip ko kung 'di ang nangyari kanina. Sa tuwing naaalala ko hindi mapigilan ng luha ko na umagos. Masakit pa rin para sa akin kahit sanay na ako na nasasaktan. Kahapon lang masaya kaming dalawa. Kahapon lang naramdaman kong siya si Hammer na nakilala ko 6 years ago pero kanina, ibang tao ang na sa harapan ko. Puno ng galit ang bawat tingin niya sa akin. Hindi ko mawari kung tinitignan niya pa ba ako bilang tao o isang kaaway niya na hayop.

Muli, pumatak na naman sa pisngi ko ahh luha ko. Kanina pa ako punas nang punas tila ayaw maubos. Deserve ko ba 'to dahil iniwan ko siya noon? Ito na ba ang karma ko? Kasi kung ito na bakit sobrang sakit? Parang pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit. Pakiramdam ko inihulog ako mula sa itaas. Hindi ko na kayang tumayo muli. Wala na akong makitang pag-asa na magiging maayos pa ang lahat.

“Ante! Alam mo bang tatlong oras na tayo rito?! Iyong kape mo hindi na hot coffee, cold coffee na!” Sita sa akin ni Jaydeen. Oo nga pala, kasama ko nga pala ang damuhong na 'to.

Siya ang nagyaya sa akin sa Starbucks dahil hindi naman daw siya umiinom. Retired na raw siya. Hanggang kape na lang ang comfort na maibibigay niya sa akin. Pumayag naman ako kahit ayaw ko talaga.

“Sorry.” Yumuko ako at pinunasan ang luha gamit ang palad ko. Umangat ako ng tingin sa kaniya ng ayos na.

“Yuck! Ewww! Ang dugyot mo tignan, girl!” Nandidiri siyang tumingin sa akin. Napa-poker face na lang ako sa sinabi niya. Nasasaktan na nga ako nilait pa hitsura ko! Hindi ko na alam kung kaibigan ko pa ba talaga 'to.

“Anyway, seryoso ka ba talaga sa desisyon mo, ha? P'wede ka namang tumakas. Magibang bansa na lang muna kayo ni baby Astrea ako na aasikaso ng flight mo. Hindi naman siguro kawalan sa'yo kung babagsak ang company ni Hammer hindi ba? Nakita ko at narinig ko ang mga nangyari kanina. Naku, te! Kung alam mo lang! Kung hindi lang masisira ang beauty ko talaga jinombagan ko ang Hammer na 'yon! Kaloka ang mga sinabi niya sa'yo! Parang hindi ka niya nirespeto bilang girl! Tapos iyong Tiarra na jowa niya? Nako, ang sarap lamukusin ng nguso. Ang sarap ingungod sa magaspang na semento hanggang sa dumugo! Kung hindi lang ako maganda at hindi ko nakakalimutan na maganda ako as always, ginawa ko na!” Halata ang pagka-irita sa boses niya pero imbis na mainis din natawa pa ako. Kahit papaano nakakalimutan ko pa rin ang sakit na nararamdaman ko dahil sa kaniya.

“Tawa-tawa mo diyan, bakla?!” Inis na tanong niya sa akin. Salubong na salubong ang makapal niyang kilay.

Nangalumbaba ako at tumitig sa kaniya. “After all, hindi naman ako manghihinayang na magpakasal sa iyo. Guwapo ka naman at saka kayang magpaka-lalaki,” pagbibiro ko na may kasamang ngiti na nakakaasar.

Nanginig ang kaniyang balikat at ulo na animo'y kinikilabutan sa sinabi ko. Niyakap niya ang kaniyang sarili.

“Fuck you ka! Kadiri ka! Ewww! Parang tanga lang, ih! Yuck!” Umarte pa siya na kunwaring nasusuka.

Tumawa ako at umayos ng pagkaka-upo. “Joke lang. Wala talaga sa bokabularyo ko ang pakasalan ka, gaga! Ginagawa ko lang 'to dahil ayaw kong mawala ang pinaghirapan ni Hammer.” Kumuha ako ng konti sa cake at sinubo iyon.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon