CHAPTER 10

977 27 5
                                        

HAMMER'S POV

I didn't sleep well because of what Acylle did to me. Nagpa-flashback pa rin sa utak ko kung paano niya ako hinalikan. Kasalanan talaga niya! Puwede naman niyang sabihin sa akin na seryoso siya at pinag-isipan niya, bakit hinalikan niya pa ako? Buti sana kung simpleng halik lang, hindi.

Acylle, talagang sasamain ka sa akin!

Antok man ay pinilit kong tumayo at mag-asikaso. Pupunta pa ako ngayon sa construction site. Isang linggo na lang kami rito dahil may bago na namang nakakapagod na trabahong binigay sa akin si daddy. Mas mahirap kumpara sa paggawa ng magandang beach hotel para sa kaniya. After ko umuwi siya na at ang katiwala niya ang hahawak ng project. That means no credits to me at aakuin lang nila ang lahat.

Nagsuot lang ako ng puting polo at men leaf print drawstring waist swim trunks. Inayos ko ang buhok ko at nilagyan ng gel. Magbe-beach walk na tsinelas na lang din ako. After kong ayusan ang sarili ko, lumabas na ako.

“Hi, good morning!” Masigla at nakangiting bati niya sa akin.

Oh, dear heto na nga siya!

Umiwas ako ng tingin. “Morning.” Tila nanuyo ang aking lalamunan.

“We have a party to attend today, diyan lang sa baba. Um-agree ako kasi gusto ko!”

“What?! You didn't ask for my permission, Acylle!”

“Oh? Ano naman? Isasama naman kita kaya huwag ka ng mag-reklamo, mwa!”

Nagulong ang mata ko sa sinabi niya. “Kahit pa, Acylle. You have to ask for my permission first bago ka magdesisyon!” Giit ko.

Tinaas niya ang isang kamay niya. “Hep! Paano ako magtatanong sa'yo kung ni-lock mo 'yong pinto?! Ikaw kaya may kasalanan! Tinatawag kita hindi ka nasagot!” Binalik niya sa akin ang sisi.

Natampal ko ang noo ko. “Fine! You won.” Pagsuko ko.

Padabog akong pumunta ng kusina. Natigilan ako ng makita ang mga pagkain na nakahain sa mesa. Isa-isa ko iyong tinignan. Two are unfamiliar dish while tapos ang isa ay adobo.

Nagluto siya?

“KAKAIN NA SA WAKAS!”

“Fuck!” Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Magkakaroon yata ako ng sakit sa puso dahil sa babaeng 'to.

“Umupo ka na bilis! Bilis!” Pagmamadali niya sa akin. Humila siya ng isang upuan tapos umupo.

Umiiling akong umupo. “You cook all this by yourself?” Tanong ko habang nakatingin sa pagkaing mukha namang masarap.

“Oo naman!” She flipped her hair. “Nag-effort talaga ako para sa'yo.” She winked at me.

Mukhang magsisimula na naman siyang subukan ako.

“You don't have to.”

“Hoy! Instead na mag-thank you ka ayon pa ang sinabi mo?! Pinagluto ka na tapos gaganyan ka pa! Ang sakit mo, ha!” She exclaimed while her fork pointed on me.

“Malay ko ba na effort talaga ang ginawa mo. Mamaya nilagyan mo pala ng lason o ng gayuma 'yang niluto,” biro ko.

Malakas niyang hinampas ang lamesa. “Hoy! Kung gusto kita patayin matagal ko ng ginawa, letse ka! At saka, excuse me? Hindi pa kita ginagayuma in love ka na sa akin!” Nakangising aniya habang nakataas ang kilay.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon