ACYLLE'S POV
Bwiset! Kaya naman pala ako sinama ng lalaking 'to para gawing alalay niya. Kung hindi ko lang boss ang taong 'to at isa sa nagpapasahod sa akin hindi talaga ako sasama. Kinumbinsi lang naman ako ni Lucille kaya napilitan akong bumuntot sa lalaking 'to. May punto naman ang pinsan ko. Kailangan ko ring umalis muna para makalimot. Although this is not a trip, okay na rin.
“Acylle, bilisan mo maglakad mahuhuli na tayo sa flight!” Pagmamadali niya sa akin. Umikot ang mata ko sa pagkapikon.
“Eh, 'di sana ikaw nagdala kung magmamadali ka!” Parang bubuyog na bulong ko.
Huminto siya sa paglalakad sabay lumingin sa akin. Tumaas ang isang kilay niya.
“May sinasabi ka, alipin?” Aba't!
Pilit akong ngumiti. “Wala po, Sir!” Sarkastikong sagot ko.
He smiled. “Good, let's go. You need to accompany me kaya wala ka dapat reklamo. Besides, may bonus ka naman.” Lumakad na siyang muli.
Sino ba kasing may sabi na gusto kitang samahan?
Ang sarap niyang tirisin kung puwede lang! Ang dami kong dala. Dalawang maleta tapos may mga kung anong gamit pa. Partida, Palawan lang ang pupuntahan namin pero para kaming maglalayas. Eroplano pa ang sasakyan. Sabi ni Lucille si Gray ang nag-arrange ng lahat ng ito kaya wala kaming magagawa. Well, hindi na ako magtataka. Gray and this stupid Hammer is best friend and they are also partner in business. Nitong nakaraan ko nga lang nalaman na may sarili pa lang company si Hammer, kung hindi sinabi ni Lucille. Talagang tambay lang daw si Hammer sa kompanya ng kaibigan.
Kung titignan naman maayos si Hammer. He doesn't look harmful pero ang sabi ni Lucille babaero raw. Allergy ako sa babaero lalo na ngayong nakipag-break sa akin si Gavion. Baka nga nakabuntis ng babae 'yon kaya hindi niya sinasabi. Anyway, my heart still into him. Darating din ang araw na nakakalimutan ko rin siya at mamadalain ko ang araw na iyon. For now, magpo-focus muna ako sa trabaho ko and paano ako tutulong sa magulang ko.
“Ang galing 'no. Ang bilis ni Gray asikasuhin ang papers natin?” Ako ba kinakausap ng baliw na 'to?
“Ho?” I'm absent minded.
“Ang sabi ko maganda ka sana kaso bingi ka, hmp!” Na-una na naman siyang maglakad. Minsan talaga hindi ko na maintindihan ang lalaking 'yon.
“Let me help you, ma'am.” Offer sa akin ng isang lalaki.
Ngumiti ako at tumango. Inabot ko sa kaniya ang iba kong dala. Tinulungan niya kami hanggang sa makapasok kami ng eroplano. Na sa business class airplane kami. Namangha ako ng makapasok ako sa loob. Talagang dinisenyo para sa mga businessman or woman na magta-travel. The thing is bakit kailangan pa naming mag-eroplano kung may mga kotse at van naman sila? Iba talaga ang mayayaman. They love spending money for their own goods.
Umupo ako sa seat kung saan ang number ko. Magkatapat lang kaming dalawa. I felt comfortable and quite nervous. First time ko lang sumakay ngayon sa airplane. Madalas bus lang ang sinasakyan namin tapos makikipag-unahan pa kami paakyat. Kung mamalasin nakatayo ka sa buong biyahe hanggang sa makarating ka sa next station.
“You're not comfortable?”
I shook my head. “K-Kinakabahan lang ako. First time ko lang talagang sasakay sa eroplano.” Nagsisimula ng tumibok ng mabilis ang puso ko.
“Put your seatbelt on,” utos niya. Tinignan ko ang seatbelt.
Sinubukan ko itong ikabit pero komplikado para sa akin. Nevermind, tatawag na lang ako ng tulong. Ang dami pa lang guwapong flight attendant na lalaki. Oras na siguro para sila naman ang mahalin ko. Luminga-linga ako at humanap ng mahihingian ng tulong. Tumingin ako sa likuran kung saan ko narinig ang boses ng isang flight attendant na babae. I was about to call her when I felt someone putting my seatbelt on.

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...