CHAPTER 15

1K 22 2
                                        

ACYLLE'S POV

“NO WAY!” Malakas na sigaw ni Lucille. “Acylle, nagbibiro ka lang hindi ba? You're just joking right?” Malakas niya akong hinampas sa balikat.

“Aray! Nakakasakit ka na, ha!” Daing ko. Ang bigat ng kamay masyado.

“Aray ka diyan! Aray-arayin ko 'yang mukha mo, eh!” Hinampas na naman niya ako. “Hoy, gaga! Kung nagbibiro ka lang sabihin mo agad sa akin at naku, Acylle! Talagang nako!” May pagdurong saad niya.

“Seryoso nga ako! Kami na ni Hammer simula pa no'ng na sa isla kami.” Ayaw maniwala ng gaga.

Napatayo siya sa kinauupuan niya. Na sa opisina niya kami ngayon. Pumunta lang talaga ako rito dahil lunch break ko. Mamaya babalik na naman ako sa kompanya ng asawa niya para magtrabaho. For the mean time sa company ako ni Gray pumapasok dahil umalis ang isa nilang assistant manager, ako muna ang nilagay nila. Kapag na sa company ako ni Lucille personal secretary naman ang papel ko. Sulit dahil kumikita ako ng malaki kahit pinsan ko siya. Alangang thank you lang sa serbisyo ko, no way! Nagpapadala pa ako sa magulang ko hanggang ngayon 'no!

“Acylle!” Malakas niyang hinampas ang lamesa sabay sabunot ng kaniyang buhok. “Nasisiraan ka na ba ng ulo, ha?!” Bulyaw niya sa akin.

“What?! Ano bang mali sa ginawa ko? Gusto ko naman na si Hammer, hindi ba puwede?”

Napahilot siya ng kaniyang sintido. “My cousin, that's not the point! Galing ka sa heartbreak, hindi ba't parang masyado pang maaga para... para makipag-relasyon ka agad sa ibang lalaki? What if bumalik si Gavion? You know na there's only an unexpected thing happen kapag masaya ka na!”

Umirap ako. “Bumalik man siya, hindi na ako babalik! Masaya na ako sa piling ni Hammer. Actually, naisip ko nga na gusto ko na siyang pakasalan. What date do you think is the best?” Tanong ko habang nakapangalumbabang nakatingin sa kaniya.

Her jaw dropped. Tinapik niya ang pisngi ko sabay malakas na kinurot.

“ARAY! TANGINA NAMAN, LUCILLE MASAKIT KAYA!” Malakas na sigaw ko.

“Sorry, akala ko lang kasi natutulog ka.” Bumuntong-hininga siya. “Acylle, uso mag-isip muna, okay? Huwag madaliin ang panahon. Right time will come.”

“Pero sure na talaga ako kay Hammer, hindi ka ba naniniwala sa akin?!”

“Couz, naniniwala ako pero... ang aga pa talaga!”

“Eh, 'di sige! Sa gabi ko na lang sasabihin!”

Sumeryoso ang mukha niya sabay ngiwi. “Seryoso, Acylle? Nagawa mo pa talagang mamilosopo sa ganitong usapan?”

“Kasi naman puro kayo maaga pa! Dapat ba gabi?” Kamot-ulong tanong ko.

“Oh, Lord! Sana binigyan niyo ng maayos na utak ang pinsan ko para hindi mahirap kausap!” Napipikong sabi niya habang hinihilot ang kaniyang ulo. “Ayaw ko ng magpaliwanag sa'yo, Acylle! Bahala ka diyan! Suko na ako! Bumalik ka ng trabaho mo!” Pagtataboy niya sa akin.

Sumimangot ako. Pati pinsan ko sinusukuan na ako. Tinignan niya ako pero agad ding inalis. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at kinulong iyon gamit ang palad ko.

“Look, alam kong worried ka sa akin pero kaya ko na 'to, okay? Sure na ako sa desisyon ko, Lucille. Sure na sure na ako kay Hammer. Wala ng bawian 'to kahit sinong ex pa ang bumalik.”

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon