ACYLLE HERNANDEZ JACINTO'S POV
2 weeks later...
Pinilit kong maging matatag matapos ang break up naming dalawa ni Gavion. Sinubukan kong hindi siya isipin at mag-focus na lang sa trabaho ko. Nagta-trabaho na ako ngayon sa company nila Gray. Si Lucille mismo ang nagpasok sa akin. I am not in a higher position because I don't want. Gusto ko magsimula sa lahat to prove them that I am qualified.
“Pumayat ka!” Puna sa akin ni Lucille. Magkasama kaming dalawa ngayon na kumakain sa cafeteria.
“Pumayat ba? Parang hindi naman,” tanggi ko.
Wala pa siyang alam sa nangyaring break up, wala pa akong sinasabi. Bumuntong-hininga ako ng mawalan ako ng gana sa pagkain. Palagi na lang ganito, tuwing papasok siya sa isip ko nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay.
“Acylle, okay ka lang ba talaga?” Nag-aalalang tanong niya.
Tumango ako at pilit na ngumiti. “Nawalan lang ako ng gana sa pagkain.” Ang hirap maging brokenhearted.
“Kilala kitang gaga ka! Alam ko ang energy mo! Kaya sabihin mo sa akin kung anong nangyari kung hindi tutusukin kita ng tinidor!” Inambahan niya ako.
Sasabihin ko na ba?
Bumuga na naman ako ng malakas na hangin. Tinungo ko ang aking ulo.
“Break na kami ni Gavion.” Nanghihinang sabi ko.
“A-Ano?!”
Inangat ko ang aking ulo. “Break na kami ni Gavion!” Nangilid ang aking luha.
“WHAT?!” Napatayo siya.
“Uulitin ko pa ba?” Gusto kong umiyak puro pa siya ano at what.
Umiling siya. “Hindi na! Pero, putangina paanong nangyari?! P-Paano 'yong kasal?! Bakit daw?! A-Anong dahilan?!” Sunod-sunod na tanong niya. Wala akong maisagot.
Ayan din ang tanong ko. Tinatanong ko rin lahat ng 'yon sa sarili ko.
Paano ang kasal?
Anong dahilan?
Bakit kung kailan malapit na kaming ikasal?
Paano na ako?
Hindi naman kasi niya akong tinuruan kung paano maging mag-isa. Nasanay na ako. Sanay na sanay na akong nandyan siya sa tabi ko. Biglaan 'yon, hindi man lang inunti-unti para naihanda ko ang sarili ko na magiging mag-isa ako!
Umiling ako biglang sagot. Napahampas ng mesa si Lucille na ikagulat ng marami.
“Wala siyang sinabing dahilan?! Ginagago ka ba ni Gavion, ha?! P'wede naman niyang sabihin kung may babae siya, ah! Bakit hindi na lang siya umamin sa harapan mo?!” Malakas na pagkakasabi ni Lucille.
Tumingin ako sa paligid, halos lahat ng tao nakatingin sa akin.
“Hinaan mo nga ang boses mo! Pinagtitinginan na tayo!” Saway ko sa kaniya.
Napa-peace siya at umupo. Kinalma niya muna ang kaniyang sarili. Seryoso siyang tumingin sa akin.
“Ano ng balak mo niyan ngayon? Couz, nakakahiya 'yan bilang isang babae! Pinamahagi niyo na 'yong invitation kaya paano mo tatakasan ang wedding niyo?”

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...