ACYLLE'S POV
Sinadya kong pumasok ng late ngayon. Una, alam kong makakatikim ako ng malalang sermon matapos i-send ni Jaydeen ang picture namin. Pangalawa, wala talaga ako sa mood pumasok. Na sa isip ko pa lang na magkikita kaming dalawa ni Tiarra ngayon sumasakit na agad ang ulo ko. Ayaw ko ng makipagtalo sa kaniya, sayang laway. Ewan ko nga ba kay Hammer kung paano niya naging girlfriend ang gano'n ka-hipokrita na babae. Arogante pa.Inangat ko ang dala kong lunchbox. Gumising pa ako ng maaga para lang sa bwiset na adobo na 'to. Kung hindi lang ako babayaran, hindi ko 'to iluluto. Minention lang naman nila ako sa group chat namin tapos sinabing magdala ako ng adobo dahil miss na raw nila ang luto ko. Kung paano ako napunta sa group chat nila? Hindi ko rin alam. Nagulat na lang ako naka-add na ako roon tapos may mga humaharot na sa akin. Alam kong maganda ako pero masyado na silang marami. Minsan hindi ko na maintindihan kung nanay ba ako ng isang bata o nanay ng mga employee sa kompanya ni Hammer.
“Miss Acylle!” Masiglang bati sa akin ni Jordan—siya 'yong nagpaluto.
“Oh, adobo mo!” Abot ko sa kaniya ng lunchbox sabay lahat ng palad ko. “Bayad mo nasaan na?” Mahirap na baka matakasan pa ako.
Nilapag niya ang 200 pesos palad ko. Okay na rin. Satisfied na ako sa ganito. Sa kaniya naman ang ingredients, nagpadala siya kagabi ng pangbili.
Binuksan niya agad ang lunchbox at tumambad sa kaniya ang masarap na adobo. Syempre pupurihin ko 'yan luto ko, eh. Inamoy niya ito na parang aso habang iniinggit ang mga kasama namin sa trabaho. Ako naman ay nakahalukipkip lang at pinapanood sila.
“Amoy pa lang ulam na! Iba ka talaga magluto, Miss Acylle!” Puri niya sa akin. Matagal ko ng alam 'yan.
“Ang daya! Pahingi naman kami!”
“Wow! Binayaran ko tapos hihingiin niyo?”
“Patikim lang!”
“Ayaw ko! Akin 'to. Ulam ko 'to ngayon, wala pa akong almusal!” Kumuha siya ng isang hiwa at kinagat ito.
Sarap na sarap siyang kinakain ang isang hiwa na iyon na may halong pang-iinggit sa mga na sa harapan niya. Naiiling na lamang ako habang pinapanood silang nag-aagawan sa luto ko. Kakaiba talaga ako. Lahat na lang kaya kong pasarapin. Masarap din naman kasi ako.
“What the hell is happening here?!”
Natigilan ang lahat maging ako nang marinig namin ang mariin at nakakatakot na tinig ng nagsalita. Naibagsak pa ni Jordan ang isang hiwang hawak niya sa sahig. Isa-isa niyang pinasadahan ng tingin ang mga nagkakagulo hanggang sa napunta sa akin ang tingin niya. Seryosong-seryoso ito. Wala akong nahihiwagahan na iba pang expression kung 'di 'seryoso lang' talaga.
He pointed his finger on me. “You!” Tawag niya sa akin sabay naglakad palapit. “Ikaw na naman ang nagpasimula ng gulong 'to 'no?” Nasisi pa nga. Kasalanan ko bang masarap ang luto ko?
“Hin—”
“Hindi po siya, Sir! Mali po kayo!” Agad na singit ni Gerald. Tama 'yan ipagtanggol mo ako.
Nilingon siya ni Hammer. Seryoso ang mukha nito at nakakatakot ang titig. Kahit ako'y nakakaramdam ng munting kaba habang pinagmamasdan siya.
“Explain now!” Mariin na utos niya sa lalaki.
“K-Kase... kase p-po... n-nagpaluto ako kay Miss Acylle ng adobo a-at... at a-ayon po ang p-p-pinagkakagulohan namin.” Nakatungong paliwanag niya. Halatang natatakot siya dahil nanginginig din ang kaniyang binti.

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...