ACYLLE'S POV
“Sigurado ka na ba talaga?” Pangungulit sa akin ni Lucille. “Acylle, kung nabibigla ka lang puwede ka pa namang mag-back out. Maganda na ang position mo sa company namin ni Gray. Why would you lower yourself for him?” Salubong ang kaniyang kilay. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin siya sa desisyon ko.
After kong mag-apply kahapon as her secretary nakatanggap agad ako ng tawag na hired na ako. I think they badly need secretary. Ibabalik ko lang naman ang favor sa kaniya. After all he deserve my help.
“Okay na ba 'tong suot ko?” Humarap ako sa kaniya at pinakita ang kabuohan ng suot ko.
Ngumiwi siya sabay umiling. I know she's still waiting for my answer, na baka magbago ang isip ko pero hindi na.
“Wow! Mommy, you look beautiful!” Puri sa akin ng anak ko na pumapalakpak pa.
I smiled at her. I knelt down to reach her cheeks. “You think mommy is beautiful today?” Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
She nodded with a wide smile. Kumikislap ang mata niya at pati ito ay nakangiti.
“Mabuti pa 'yong bata marunong tumingin ng maganda,” parinig ko. Hinalikan ko ang anak ko sa pisngi bago tumayo muli.
“Ako ba kausap mo? Sorry, ha! Naguguluhan lang talaga kasi ako sa'yo. Pinagpalit mo 'yong magandang posisyon, magandang opisina, magandang kalagayan sa pagiging secretary ng siraulong 'yon!” May pagturo pa na asik niya.
I let out a deep breath. “You will never understand me, Lucille. Oo, maganda nga ang katayuan ko sa company but Hammer need my help!”
“Acylle, kung kailangan niya ng tulong mo magsasabi siya! Hindi mo ba nakita 'yong galit sa mata niya, ha?!”
“Nakita pero... bahala na. Isipin mo na lang binabalik ko ang utang na loob ko sa kaniya.” Sinukbit ko ang shoulder bag sa balikat ko.
“Bantayan mo ng mabuti ang anak ko, ha!” Pahabol na sabi ko bago umalis.
Siya ang magbabantay ngayon kay Astrea. Umalis na ang katulong na kinuha ko dahil hindi raw niya kaya ang kakulitan ng anak ko. Hindi naman na ako nagtataka sa bagay na 'yon. Kahit ang mother ni Gavion sumuko no'ng siya ang nag-aalaga pero mahal na mahal nila si Astrea.
Sana lang tama ang desisyon kong ito.
After 6 years ngayon na lang kami ulit maghaharap. Bagong Hammer, bagong Acylle. I took the opportunity para alam ko kung dapat ko pa bang ipakilala sa kaniya si Astrea o mananatili na lang na lihim ang bunga ng ginawa namin. I hate the fact that now we both hate each other. I hate him for kissing other woman but what I am expecting? Malamang maghahanap siya lalo na't malaya siya. Sabi nga nila, if you let the bird flew it will find another nest to rest until it found permanent one to stay. Now, he finally found his permanent home.
--------
“You are 2 minutes late, Mrs. Quimpo.”
Mrs. Quimpo?
Oh, I forgot. Ginamit ko nga pala ang apelyido ni Gavion. Tumingin ako sa relo ko at napakunot ang noo ng makitang on time lang naman ako. Tahimik lang aking nakatayo habang siya ay nakatalikod sa akin at naka-upo sa swivel chair niya. You didn't change Hammer. Makalat pa rin hanggang ngayon ang opisina mo. Hindi ka pa rin marunong maglinis.

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...