ACYLLE'S POV
Sinong marupok na tanga? Syempre ako lang. Ako lang 'to si Acylle. Matapos pagsalitaan ng masakit pumasok pa rin. Dalawang araw lang hindi ako nakatiis. Isang tawag niya lang sa akin kagabi napagulong agad ako sa kama sa kilig. Aba'y sino ba namang hindi kikiligin kung siya mismo tumawag tapos ang sabi pa, "Acylle, kailan mo balak pumasok? Ang dami mo ng pending na trabaho rito." In baritone voice, everyone!
Hindi niyo kaya! Hindi niyo talaga kaya! Alam ko namang hindi ako matitiis ng Hammer na 'to. Ganda kong 'to? Kahit siguro si Satanas hindi matutuwa kapag wala akong sa impyerno, walang maganda, eh.
Inayos ko ang suot kong uniform bago tumayo ng tuwid sa harap ng pinto ng office niya. Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay na sumagot siya. After a minutes wala pa ring sumasagot kaya muli akong kumatok but this time may kasama ng pagtikhim.
"Come in hindi ko hawak ang doorknob." Luh?
Parang kagabi lang ang sweet mo sa akin tapos ngayon ang sungit mo na? Daig mo pa climate change sa pagbabago, ah.
"May i-uutos ka po ba sa akin, Sir?" Tanong ko ng makapasok ako sa loob.
May tinuro siya. "Linisin mo lahat ng kalat dito sa office ko. Mula sa mga papel hanggang sa alikabok."
"Eh?" Hindi makapaniwalang usal ko.
Umangat ang ulo niya. "What? That's your punishment dahil hindi ka pumasok ng 2 days." Asus, hindi pa sabihing na-miss niya ako.
I cleared my throat. "Okay... kukunin ko lang 'yong daspan at walis, at saka mop na rin." Tumalikod ako. Hindi pa ako nakakahakbang nagsalita na siya.
"No need. Nandito na lahat ng kailangan mo." Sabi ko na nga ba miss talaga ako ng lalaking 'to, eh.
Nangingiti ako na may halong kilig. Kinurot ko ng mahina ang aking sarili at sumeryoso bago harapin siya.
I shrugged my shoulder. "Okay, I'll start then." Kinuha ko ang walis tambo.
Tamad ka pa rin talaga maglinis ng office mo, Hammer. Noong una kong punta sa opisina mo na 'to makalat hanggang ngayon makalat pa rin. Nagtataka naman ako sa girlfriend mo kuno. Bakit hindi ka niya pinaglilinis ng office mo? Dapat pinaglilinis ka niya kung talagang concern siya sa'yo. Feeling ko talaga gusto lang magpabuntis ng babaeng 'yon. Sorry ka, girl. Magpapabuntis ka pa lang may anak na agad kami in short, na sa akin na agad ang korona.
"Mind what you re doing stop looking at me," saway niya sa akin.
Natigil ako sa pagtitig sa kaniya ng nakangisi. Paano niya nakita? Hindi naman siya nakatingin, ah.
"Tsss! Bakit naman kita titignan? Sino ka ba? Anong akala mo sa akin taga-hanga mo?"
"Hindi ba?" Umangat ang ulo niya. "You're drooling, Mrs. Quimpo. Partida, hindi pa ako nakahubad sa harapan mo." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
"A-Asa ka!" Tumalikod ako sabay punas sa gilid ng labi ko.
Wala naman, ah!
Salubong ang kilay ko siyang hinarap. He's smiling like an idiot. Ngayon na lang ulit siya ngumiti in all fairness. Lumalabas na naman ang ka-guwapohan ni Hammer. Tumalikod akong muli upang itago ang namuong kilig ko. Nakangiti ako habang nagwawalis ng paatras. Kahit pilyo ang ngiting 'yon masaya ako. Ngayon na lang ulit niya ako nginitian, as in. Pakiramdam ko tuloy na sa alapaap na ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...