This chapter is dedicated to Gracious_Bella thank you, mahal! Para sa'yo talaga 'to kasi gusto mo 'to, eh!
WARNING | R-18: This chapter contains some matured scene that is not suitable for 17 years old below. Read at your own risk!
ACYLLE'S POV
“Sa wakas! Natuloy na rin ang kasalang ito! Akala ko talaga hindi na ulit ako makakakain ng Shanghai galing handaan!” Malakas na sabi ni Lucille. May shanghai sa magkabilang kamay niya.
“Tita, sa tingin mo ba ilan pa magiging anak ni Hammer at ng anak mo?” Tanong niya kay mama na nagpalaki sa mata ko.
“Aba! Malay ko ako ba magbubuntis?!”
“Syempre matanda na sila! Malay mo naman hindi na kaya ang dalawa o kaya tatlo.”
Minamaliit ng babaeng 'to ang kakayanan ko, ah!
“Hoy! Ang sama ng ugali mo!” Nakasimangot na saad ko.
“Ay, sorry!” Tumawa siya. “Pero, looking forward sa inyong dalawa, yieee!” Sinundot niya ang tagiliran ko.
“Tigilan mo nga ako, Lucille!” Saway ko sa kaniya.
Marami ang dumalo sa kasal naming dalawa. Punong-puno ang hotel na nirentahan ni Hammer. Karamihan dito mga naging ka-trabaho namin sa company at ang iba naman ay mga kamag-anak ko. Tunay na kamag-anak hindi 'yong kilala lang ako no'ng nagkaroon na ako ng pera. Present din si Mama at papa. Nang nalaman nga nilang ikakasal na kaming dalawa ni Hammer agad silang lumuwas sa Manila. Actually, wala na kaming planong paalisin sila. Ibibigay namin ni Hammer ang lupain sa Tagaytay na iniwan ng mommy niya. May malaking bahay na nakatayo roon isa pa maganda ang paligid at presko. Sa tingin ko magugustuhan nila mama.
Masayang nakikipagkulitan sa mga kalaro niya si Astrea. Siya pa rin ang flower girl namin. Kinikilig nga siya kanina nang sinabi ng pari na 'you kay now kiss the bride.' Nag-kiss na naman daw kami ng daddy niya. It's good to see na maraming present sa kasal namin. Sasakalin ko na lang kapag nag-eat and run.
“ACYLLE!” Malakas na tawag sa pangalan ko na may kasama pang pagbirit sa hulihan.
Kilala ko ang boses na iyon. Nilingon ko ito at hindi nga ako nagkamali. Si Jaydeen nga kasama nag kaniyang asawa. Yes, kasal na rin silang dalawa ni Vin sa ibang bansa. Na-una lang sila sa amin ng dalawang linggo.
Patakbo siyang lumapit sa akin sabay niyakap ako ng mahigpit. Miss ko na ang baklang 'to. Matagal na rin simula nang huli kaming nagkita. Hindi na niya nagawang magpaalam sa akin noong umalis siya dahil that time pala na mag-uusap kami ni Hammer, kinagabihan flight na nila.
“Owemjie ka, bakla! Miss na miss kita!” Aniya na nakatingin sa akin. Hindi maipinta ang kaniyang mukha.
“Miss din kita, gaga ka!” Hinampas ko siya sa balikat.
“Congratulations!” Muli niya akong niyakap pero mabilis na kumalas. “Gaga! Alam mo bang kinulit ko pa 'to si Vin para lang umuwi kami rito! Ayaw ba naman sumama!” May bahid na pagtatampong saad niya.
“Hindi sa ayaw kong sumama pero... 'di ba nga schedule natin 'yon para sa surrogate mother mo?!” Singit na dahilan ni Vin.
“Naks! Si Acen na lang at ang kambal mo ang kulang kompleto na ang barkada!” Sabi ng kararating lang na si Hammer.
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...
