HAMMER'S POV
Na sa bungad pa lang ako ng pinto ng kompanya nang makarinig ako ng munting pagtatalo ngunit hindi mula sa empleyado ko kung 'di sa isang pamilyar na boses.
I put my facemask on to hide the scars on my cheek. Kagabi lang nabugbog na naman ulit ako ni daddy. He blames me because his business in Cavite went bankrupt again. I arranged it but they took the credits. Ngayong lumulubog na naman, ako ang sinisisi.
I shook my head. Marami akong iniintindi ngayon bukod pa ang kalagayan ng company. I have a lots of burden on my shoulder at wala akong mapagsabihan nito. Who am I for them to listen to? Since Acylle left me, natuto na rin akong sarilinin ang problema ko. Kahit kay Gray hindi ko sinasabi. He said to me that I have changed. Natuto lang ako. Natutong tumayo sa sarili kong paa.
“Bata ka pa sumasagot ka na! Sino bang nanay mo, ha?!”
“And who are you po to know who my mommy is?”
“Talagang sumasagot-sagot ka sa akin?! Mas matanda ako sa'yo!”
“Oh, should I call you lola po ba?”
Sino ang batang 'yon? Ngayon ko lang siya nakita.
In my curiosity I was forced to approach them both.
“You are too old to bully the kid, Tiarra.”
Sabay silang napatingin sa akin. Pamilyar ang mata ng bata, hindi lang basta pamilyar kung 'di kilala ko ang hugis ng mata niya.
I smiled at her even though I'm wearing a facemask. Parang tanga lang. Ngumiti kahit hindi naman nakikita na nakangiti.
“And this kid is too young to sagot-sagot me!” Pa-conyo'ng rason niya.
“Who are you po?” Curious na tanong sa akin ng bata. Binaling niya ang kaniyang ulo at masuring tinitignan ang mukha ko.
Naka-facemask ako kaya malamang nagtataka siya. Kung hindi dahil sa sugat na binigay ng daddy ko, hindi ako magsusuot nito.
“Me?” How should I introduce myself to this kid? Lumhod ako upang pantayan siya. “I am the owner of this company.”
Ang nakasimangot niyang mukha ay biglang napalitan ng malapad na ngiti. Maging ang ngiti niya ay pamilyar sa akin.
“You are my mom's boss!”
She know me?
“Your mom? Who is your mom?” Kunot-noong tanong ko sa kaniya. Don't tell me....
“My mom is your secretary po! Her name is Acylle Jacinto. She's working here and I am looking for her po!” Anak nga niya. Kaya pala pamilyar sa akin ang batang 'to.
“Kaya naman pala mayabang, may pinagmanahan.”
“Of course po!” Proud na aniya.
Even though I couldn't say anything, I still smiled at the courage of the girl in front of me. Minana niya talaga ang katarayan ng mommy niya. Kapag lumaki ang batang ito malamang silang dalawa lang ng mommy niya ang magkakaintindihan.
Hinawakan ko ang kamay niya. “Pumunta ka ba rito mag-isa?”
She shook her head. “I was with my dada but he had an emergency so he left me here. He said I should just look for my mommy but that girl bullied me.” Turo niya kay Tiarra.
Nandito si Gavion? So, nagka-anak pala talaga sila ni Acylle. As time goes on, I realize that my chances of getting Acylle back are very small. Now that she had a daughter and they are living peacefully, wala ako sa lugar para sirain ang magandang pamilya.

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...