CHAPTER 17

591 11 5
                                    

ACYLLE'S POV

“I think this one is better.” Turo niya sa napakalapad na gown.

“Hammer, sa judge pa lang tayo magpapakasal hindi sa simbahan,” awat ko sa kaniya.

“So? Kahit saan pa 'yan gusto ko pinaka-magandang damit ang isusuot mo!”

“Pero hindi naman kasi kailangan. Simple lang, gano'n.” Inisa-isa ko na naman ang mga damit na nakasabit.

“Pero gusto ko nga pinaka-magandang damit!” Giit niya.

Tinignan ko siya. “Bakit? Ikaw ba susuot, ha?” Pataray na tanong ko, umiling siya. “Oh, hindi naman pala! Manahimik ka diyan dahil hindi naman ikaw ang susuot ng gown kung 'di ako!”

“Sabi ko nga tatahimik na ako.” Tinakpan niya ng isang kamay ang bibig niya.

Inirapan ko siya bago bumalik sa ginagawa ko—pagpili ng gown. Napag-usapan na namin na simple kang ang bibilhin dahil isang beses lang naman gagamitin ang kaso no'ng dumating kami rito sa boutique bigla na lang siyang kumontra sa gusto ko. Lahat ng gusto niya ipa-try sa akin puro elegant at nagkakahalaga ng 30-50 thousand. Nawala siya sa plano no'ng makakita siya ng maganda. Minsan iniisip ko na babae talaga si Hammer sa past life niya o baka naman gusto niya rin magsuot ng gown.

Tahimik na lang siyang umupo sa vintage french chair. Nagsi-cellphone siya habang ako naman ay tumitingin sa gown na isusuot ko. Ang akala ko noon ang paghahanap ng gown ay kung ano lang 'yong mapili mo. Mahirap pa pala 'to sa akala ko. Kailangan pang i-consider ang size tapos 'yong length. Kailangan ko ring tignan kung babagay ba sa akin o magmu-mukha akong bangkay na isisilid sa ataol. Ngayon alam ko na ang hirap ng pagpapakasal.

“You know what naisip ko na maganda ngang simple lang ang gown na bilhin mo, my queen. As simple, as possible,” sabi niya habang nakatingin sa cellphone.

I frowned. “Ayon naman talaga ang napag-usapan natin kagabi, ah. Ikaw lang naman ang pabago-bago ang isip.”

Binaba niya ang hawak na cellphone at tumingin sa akin. “That's not my point, my queen. Mahirap kasi hubarin kapag complicated ang wedding gown. Isa pa, what's the sense of long gown kung ma-uuwi rin naman sa hubaran hindi ba?” Pangangatwiran niya na ikinalaglag ng panga ko.

Napatingin ako sa paligid, mabuti na lang talaga at walang tao. Matalim akong tumitig sa kaniya. Ginantihan niya ako ng proud na ngiti.

“HAMMER COULTER WALA KA NA BA TALAGANG MASABING MATINO?!” Malakas na bulyaw ko sa kaniya sabay hampas ng gown na hawak ko.

“Aray! Acylle naman, eh! Nagsasabi lang—aray naman!” Daing niya sa sunod-sunod ko siyang hampasin.

“Bwiset ka talaga! Bwiset!” Hinampas ko pa siya.

“Baby naman!” Panay ang ilag niya sa hampas ko.

“Ah... Ma'am, tama na po baka masira niyo po 'yong gown,” saway sa akin ng isang staff.

Tumigil ako sabay inayos ang pagkaka-hanger ng damit. Masama pa rin ang tingin ko kay Hammer. Nagtataka na talaga ako kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang lalaking 'to na mag-dirty talk sa akin sa public place. Walang hiya talaga kahit kailan!

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon