CHAPTER 6

979 26 5
                                        

HAMMER'S POV

It's been five days simula ng hindi kami magpansinan ni Acylle. I am not mad to her kung 'di nahihiya ako. After what happened that night halos hindi na ako makatingin ng deretso sa mata niya. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari na nagpapahirap hindi lang sa akin kung 'di pati sa pagkalalaki ko. I still can feel her touch and her soft lips when she kiss me on my neck. Kaya minabuti kong iwasan na lang siya at hindi pansinin. Sa ganitong paraan hindi ako magkakaroon ng kakaibang pakiramdam.

Pero talagang sinusubukan ang ng babaeng 'yon. Now she's sunbathing wearing a too revealing one piece. Ang sarap ikama, nakakainis!

“Hammer?” Napabaling ako sa nagbanggit ng pangalan ko.

Pinaningkitan ko ito ng mata. “Tiarra?” What is she doing here?

“Sabi ko na ikaw 'yan, eh!” Tumakbo siya palapit sa akin. “Kumusta ka na?!” Malapad ang ngiting tanong niya.

“I-I'm fine, how about you?” Ngumiti rin ako pabalik.

“Ito, maganda pa rin!” She's flattering herself. Tumawa siya kaya tumawa na rin ako lara naman hindi awkward.

“So, how's your love life?”

“I'm fine.” Not my love life because I fell in love with a stubborn woman.

“I am asking about your love life, baliw! Kung hindi mo kasi ako ni-reject noon, eh 'di na sa tamang tao ka na sana ngayon,” biro niya na alam ko namang may laman.

Yes, I rejected this woman because of Acylle. The first time I laid my eyes on Acylle iba na talaga ang naramdaman ko. I don't want other woman except her knowing the fact that she's already into someone. Masaya nga akong nag-break na sila pero hindi madaling pumasok sa puso niya. Alam kong marami siyang pagdadaanan na healing process para lang maging maayos siya.

“Hey, Hammer! I am talking to you! Hello?!”

Nabalik ako sa akinh sarili dahil kay Tiarra. Pilit akong ngumiti sabay sumulyap kay Acylle na masarap ang higa sa buhanginan.

“Okay ka lang ba? May sakit ka ba?” Sinapo niya ang aking noo. Mabilis kong inalis ang kaniyang kamay.

“A-Ayos lang ako, Tiarra.” Ngumiti na naman ako ng pilit, ang hirap talaga magpanggap.

“You look sick kaya!”

“Hindi, I'm okay! Saan ka nga pala tumutuloy ngayon?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Ah, diyan lang ako sa Al Faro hotel kadarating ko lang kanina.”

“Al Faro hotel? Doon dito ako naka-book ngayon!” Mukhang hindi magiging maganda 'to.

“Oh? That's good! Magkakaroon kami ng small party mamaya sa pool ng hotel aasahan kita, ha!”

“Wait, what?! N-No, hindi ako puwedeng mag-party, Tiarra. Trabaho ang pinunta ko rito, hindi bakasyon,” dahilan ko. Pa-simple akong tumitingin kay Acylle.

“Aish! Huwag ka ngang ano diyan! Minsan kailangan mo ring mag-relax at ngayon ang minsan na 'yon. I will ask someone to fetch you later, got to go!” Aangal pa sana ako pero umalis na siya.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon