ACYLLE'S POV
Antok akong nakatingin sa pinto ng office ni Hammer. Kanina ko pa inaabangan ang higad. Tatlong araw na siyang hindi pumupunta. Ano kayang nangyari sa babaeng 'yon? Ano bang pake ko? Maganda nga na wala siya kaysa nandito siya tapos iniisip ko nag-aanohan sila ni Hammer sa loob. Nag-o-overthink ako ng malala, malala pa sa mas malala. Speaking of, hindi ko na rin nakikita 'yong nagpahiram sa akin ng panyo. Dito siya nagta-trabaho pero hindi kami nagkakasalubong. Sayang naman. Siya pa lang ang mabait sa akin dito. Karamihan sa kanila palaging nakataas ang kilay kapag nakikita ako. Siguro dahil maganda ako.
Eme lang.
“Miss Acylle,” tawag sa akin ng lalaking kalalabas lang sa office ni Hammer. May dala itong garbage bag.
“Ano?” Walang ganang tanong ko.
Pinatong niya ang garbage bag sa desk ko. “Itapon mo raw sabi ni Sir.”
Tinuro ko ang aking sarili. “Ako?!” Sana pala janitress na lang ang in-apply-an ko.
“May iba pa bang Miss Acylle dito?” Mataray na aniya.
Pinanlakihan ko siya ng mata na ikinaputla niya. Umiwas siya ng tingin.
“Tangina ka ba?” Tinaas ko ang isang kilay ko.
Hinablot ko ang garbage bag na pinatong niya sa desk ko. Kanina pa ako akyat-baba. Kung hindi bibili ng kung ano-ano, magpapa-xerox, kukuha ng files, ngayon naman magtatapon ng basura. Parang nakakapansin na ako, ah. Naging all in ang trabaho ko sa kompanya na 'to? Baka gusto niya na rin akong maging taga-masahe niya? Malugod ko namang tatanggapin.
Umakyat din agad ako matapos kong itapon ang basura. Imagine, na sa 20th floor ako ng building tapos itatapon ko sa first floor. Ginagawa yatang joke ni satanas ang buhay ko. Akala niya masaya pa ako sa ginagawa niya. Ginamit pang kasangkapan sa ka-demonyohan si Hammer. Kung sabagay, magtataka pa ba ako sa mga ganito? Galit siya sa akin kaya malamang sa malamang iisip siya ng paraan para mapalayas ako sa mismong kompanya niya. Sorry siya. Wala akong balak umalis dito. Not until I complete my mission. Hangga't hindi ko siya nakakausap ng maayos para sa anak namin, hindi ako titigil.
I am not asking na maging tatay siya. I am just here to introduce our daughter to him. Ayaw kong lumaki si Astrea ng hindi niya kilala ang daddy niya. Gusto ko kahit may sariling pamilya na si Hammer na sa puso pa rin ng anak namin na that's my dad. Sa isip ng anak ko alam niyang may tatay siya. Depende na lang sa tatay niya kung paano siya tatanggapin dahil sa kagagahan ng nanay niya.
“May i-uutos ka pa ba, Sir?” Mataray na tanong ko matapos na bastang pumasok sa office niya.
Umangat ang tingin niya sa akin. Ang laki sobra ng eye bags niya at itim na itim. Naawa ako bigla.
“Hindi kita tinawag bakit ka pumasok?” Ang lamig. Sobrang lamig ng boses niya.
“Wala lang, Sir. Tinatanong ko lang po kung may i-uutos ka pa.” Ang hirap magalit sa kaniya ngayon. Nakikita ko sa buong mukha niya ang paghihirap.
“Mukha ba akong may i-uutos, Mrs. Quimpo?” May pagtaas ng kilay na tanong niya.
Umiling ako. “Sabi ko nga lalabas na ako.” Tumingin ako sa relo na nasa pulsuhan ko. “Sir, take a break. Uso po kumain sa tamang oras.” Huling sabi ko bago tuluyang lumabas.

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...