ACYLLE'S POV
Matapos ang pagkikita ni Hammer at ng anak ko wala akong narinig na kahit na ano sa kaniya. Umaasa pa naman ako na magtatanong siya kahit man lang isang tanong ngunit wala. Naging tahimik din siya. Madalas na niya akong kausapin. Hindi ko alam kung ano ang na sa isip niya, isa pa hindi naman ako manghuhula. Kung manghuhula lang ako sana hinulaan ko na kung kailan mamamatay ang bwiset na higad na 'yon.
Speaking of higad nandito siya ngayon sa office ni Hammer. Kanina pa ako nasusuka sa landian nilang dalawa. Kung makalingkis din naman itong si Tiarra parang sawa. Kung sabagay may lahi naman talaga siyang ahas. Naaalala ko pa hanggang ngayon kung paano niya tinangkang agawin sa akin si Hammer no'ng na sa Palawan kami.
“Hay nako! Honey naman kasi, sabi ko sa'yo magbawas ka na ng employee mo rito sa company. Hindi maganda ang overcrowded.”
“What do you mean?”
Tumingin siya sa akin. “Gaya niya. Hindi naman talaga dapat 'yan nagta-trabaho rito. Alam mo bang nalaman ko na may mas malaking offer sa kaniya ang kaibigan mo?” I frowned at what she said. Saan naman kaya dumampot ng balita ang babaeng 'to?
“Totoo ba, Acylle?” Seryoso ang tono ng tanong ni Hammer.
Tumango ako. “Totoo 'yon. Maganda ang position ko sa company na ino-offer ni Gray but I refuse to accept their offer. Magiging biased para sa mga naghihirap for that position.” Isa pa, mas pinili kong tulungan ka.
“Puwede ka ng bumalik sa kanila. I don't need you here.” Malamig na aniya.
Sisimulan mo na naman ako. Wala ka talagang masabing matino, Coulter.
“I don't need your approval at hindi ko rin kailangan na kailanganin mo ako rito. As a citizen of this country, I graduated and finished a higher course so I have the right to choose wether I'll stay or nah. Sure ka ba na gusto mo akong itaboy palabas ng kompanyang ito?” May panghahamon na tanong ko sa kaniya. Nag-imbento na rin ako ng sarili kong bata kasi paladesisyon ako.
“ALAM MO ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MONG BABAE KA! Alam ko namang gusto mo lang makuha ang atensyon ni Hammer. Puwes, para sabihin ko sa'yo he's already mine! Only mine!” Pinaglalaban ng babaeng 'to?
”Oh, 'di sa'yo na! Saksak mo sa baga mo!” Pamimilosopo ko sa kaniya.
“Aba't—talagang!” She scoffed as she crossed her arms. “Ang gaspang ng ugali mo kuhang-kuha ng anak mo.”
Umalingawngaw sa tainga ko ang binitawan niyang salita. Napatayo ako mula sa upuan ko at lumapit sa kaniya. Galit ko siyang tinignan. Nanlilisik ang aking mata at nag-uubugan ang aking ngipin sa galit. Kinuyom ko ang aking palad.
“Wala kang karapatang husgahan ang anak ko, Tiarra. Husgahan mo 'ko at ang buong pagkatao ko pero oras na hinusgahan mo ang anak ko puputulin ko 'yang matabil mo dila!” Mariin na pananakot ko sa kaniya habang dinuduro siya. Namutla bigla ang hitsura niya.
“Enough with that. Lumabas ka na, Tiarra. I am not in mood to talk to you.”
“Bakit ba palaging ako na lang ang pinapaalis mo?! Bakit hindi ang babaeng 'to?!” Duro niya sa akin.
“Ikaw lang naman kasi ang maingay dito.” Pambabara ko sa kaniya.
“Lumabas ka na lang puwede ba?” May diin na utos ni Hammer sa kaniya. Habang tumatagal lumalamig na ang trato sa kaniya ni Hammer.

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomansaR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...