CHAPTER 23

624 19 2
                                    

ACYLLE'S POV

"Ano ka ngayon, ha?! Masasabi mo pa bang tama ang desisyon mo na pumasok sa kompanya ni Hammer?" Sermon sa akin ni Lucille.

Na sa kotse niya ako ngayon at kanina niya pa ako dinadakdakan. Ang daldal talaga ng babaeng 'to nakakairita.

"Ipinag-drive mo ba ako para lang sermonan?" Sumiring ako.

Pinukol niya ako ng masamang titig. "Bobo ka ba?! Ang ganda na kasi ng puwesto mo sa kompanya namin tapos pupunta ka roon para lang bastusin ni Hammer!"

"Hindi naman niya ako binastos!" Pagtatanggol ko kay Hammer. "Galit lang siya! Nagagalit siya kaya niya nasabi ang mga salitang 'yon!" Giit ko.

"Oh, sige! Sige! Sabihin na nga nating galit 'yong tao pero, Acylle! Kahit gaano kagalit ang isang lalaki hindi niya magagawang pagsalitaan ng gano'n ang babaeng minahal niya!"

"Ibang tao si Hammer, Lucille." I crossed my arms then looked outside the window. "Beside, kasalanan ko naman kung bakit siya nagkaganon." Humina ang boses ko.

Narinig ko ang malakas na pagbuga niya ng hininga. Alam kong concern lang sa akin si Lucille. Tama naman siya. Kahit ako naiinis na sa mga sinabi sa akin ni Hammer pero anong gagawin ko? Ako naman talaga ang naging cause kaya siya nagkaganon. Ako ang nagpasimula ng lahat. Pinilit ko siyang magpakasal sa akin kahit masyadong biglaan ang relasyon namin tapos... iniwan ko siya.

"Baba na!" Gagang 'to! Kung magpababa sa akin akala mo aso ako!

"Wow, ha! Makataboy ka sa akin, hmp!" Binuksan ko ang pinto at bumaba sabay malakas itong sinara.

"PUTANGINA KA, ACYLLE!" Mura niya sa gulat.

Tumawa lang ako at naglakad papasok ng kompanya. Magkasabay kami ngayon dahil may meeting silang mga shareholders. Ngayon ko lang nalaman na may malaking share pala sila Gray sa company ni Hammer kaya nakakatayo pa ito kahit palubog na. Ang supportive talaga ni Gray kahit kailan. Kung sabagay, hindi naman na ako magtataka dahil kapatid na ang turing nila sa isat-isa. Ang sabi nga noon ni Hammer handa siyang suportahan si Gray sa akin na anong gusto nito. Gano'n din naman sa kaniya ang kaibigan. Kung ganito ka-platonic ang friendship na mangyayari sa akin baka kahit sa next life ipagdasal kong siya pa rin ang kaibigan ko. Kaso puro plastic na manggagamit ang napunta sa akin.

Tanging si Lucille lang ang naging best friend ko. Siya lang ang umiintindi sa akin maging sa mga rants ko sa buhay. When I was on my down time, siya ang nandiyan para itayo. She's may 911, my ambulance, and my shoulder. Akalain mo 'yon? Pinsan ko na, best friend ko pa. Ang kaso nga lang masyado kaming same vibes. Naiirita na ako sa kaniya kaso naalala ko na gano'n din pala ang ugali ko kaya parang naiirita na rin ako sa sarili ko. She's literally my mirror.

"Laki ng eye bags natin, ah!" Bati sa akin ng isang employee. Tumawa siya ng malakas.

"Wow, laki ng tiyan natin, ah! Halatang punong-puno ng alak!" Pambabara ko sa kaniya. Nagtawanan ang mga kasamahan niya sa trabaho.

Ako pa bu-bully-hin ng mga 'to, eh retired bully na ako.

"Hanap ka na ni Sir."

Oh, saglit lang akong nawala miss na agad ako. Hayss, iba talaga ang ganda ko.

Pumasok ako sa opisina ni Hammer. Gaya ng dati. Makalat pa rin ang opisina niya, walang pinagbago. Kagabi lang bago ako umuwi nilinis ko 'to, ngayon para na namang Payatas. Puno ng basura!

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon