This chapter is dedicated to @erosscivener and @thrishaannregio can't mention!
Continuation...
ACYLLE'S POV
Mariin akong pumikit nang makarinig ako ng malakas na putok ng baril. Niyakap ko ng mahigpit si Hammer.
Lord, iligtas mo naman po kami. Hindi ko na po parurusahan ang lalaking 'to! Hahayaan ko na po siyang tumira sa bahay ko! Hahayo kami at magpapakarami!
Lumipas ang ilang segundo matapos kong marinig ang putok ng baril. Minulat ko ang aking mata. Nakita kong nakapikit pa rin si Hammer ng mariin na tila hinihintay ang kamatayan niya. Kinapa ko ang katawan niya para hanapin kung saan tumama ang bala ng baril o kung nasaan ang sugat niya.
“Nakikiliti ako, ano ba?!” Pinigilan niya ako sa pagkakapa sa katawan niya.
“W-Wala kang sugat?!”
Napamulat siya. “Wala akong sugat?! Wala nga akong sugat!” Mahigpit niya akong niyakap. Yumakap din ako sa kaniya. Akala ko mamamatay na 'tong damuhong na 'to hindi pa nga ako pinakakasalan.
Saglit lang ang kasiyahan naming dalawa dahil narinig naming sumigaw ng malakas ang kapatid niya.
“TIARRA!” Sigaw nito.
Nanlaki ang mata ko sabay takip ng aking bibig ng makitang si Tiarra ang sumalo ng bala na dapat para kay Hammer. Bumagsak ito sa sahig. Sa dibdib ang tama niya. Sa may bandang puso. Umiiyak siyang nilapitan ng kapatid ni Hammer. Kinuha niya ang ulo nito at hiniga sa hita niya. Naawa rin naman ako sa sinapit ni Tiarra. Minsan, hindi talaga magaganda ang nagagawa ng sobrang pagmamahal. Sabi nga nila love has a lot of sacrifices. Pero hindi sa lahat ng oras dapat may sakripisyon.
“HAYOP KA! LAHAT NA LANG TALAGA KINUKUHA MO SA AKIN!” Paninisi ni Hex kay Hammer habang umaatungal ito sa iyak.
“I don't, Hex. Wala akong inaagaw sa'yo. Ikaw lang ang nag-iisip na inaagawan ka kasi takot kang malamangan! Takot kayong may humihigit sa inyo!”
“MANAHIMIK KA! HINDI MAIBABALIK NIYAN ANG BUHAY NI TIARRA! Lahat ginawa niya para sa'yo! Lahat na lang binigay niya sa'yo pero anong ginawa mong hayop ka?! Binalewala mo siya! Ngayon... sa'yo dapat 'yon, eh! Sa'yo dapat ang bala na 'yon pero sinalo niya pa rin! Sinalo niya para sa'yo kahit alam niyang may anak kaming dalawa sinakripisyo niya ang buhay niya para sa'yo, hayop ka! Ikaw dapat ang mamamatay! Ikaw dapat!” Galit na galit na asik niya. Basang-basa ang kaniyang pisngi sa tulo ng luha.
Ewan ko pero naiiyak na rin ako hindi sa paninisi niya kung 'di sa sinabi ni Tiarra at ng bata. Ibig sabihin ba no'n hindi niya mahal ang bata kaya mas pinili niyang mamatay na lang? Bakit naman gano'n, Tiarra? Alam kong tanga ka pero sobra naman ang ginawa mo para sa pag-ibig!
Malakas akong napatili nang suntukin ni Hex si Hammer at tumilapon ito sa sahig. Naiwan akong nakatayo at gulat. Nang tatayo si Hammer, tinutok niya ang baril sa ulo ko.
“SIGE! LUMABAN KA! PASASABUGIN KO ANG ULO NG BABAENG 'TO!” Banta niya. Kinasa niya ang baril habang nakatutok sa ulo ko.
Nanginig ang aking kalamnan sa takot. Umiiling ako kay Hammer na senyas na huwag na siyang lumaban. Natatakot ako. Nanlalamig ang buong katawan ko.
“Hex, pakawalan mo si Acylle! Huwag mong idamay si Acylle!” Mariin na utos niya sa kapatid.
“Huwag idamay?! Huwag idamay, huh?!” Diniin niya pa ang pagkakatutok ng baril sa ulo ko na ikinaiyak ko. “PUTANGINA MASASABI MO BA 'YAN KAPAG NANGYARI SA KANIYA ANG SINAPIT NI TIARRA?! HUH?!” Dinudunggol niya sa ulo ko ang baril.
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...
