ACYLLE'S POV
“Mananahimik ka ba o mananahimik ka?!” Pinanlakihan ko siya ng mata sa sobrang pikon. Kanina pa niya ako kinukulit.
Nag-pout siya. “Naman, ih! Gusto ko lang naman ng kiss!” Umupo siya sa sahig at naglumpasay na parang bata.
Diyos ko Lord, mahabang pasensya pa po, please! Hindi ko na kaya!
Napa-upo na lang ako sa table niya sabay hagod ng aking noo. Simula nang pumasok ako kinukulit na niya ako sa kiss na 'yan. Hindi ko na makilala kung si Hammer na gurang pa ba ang na nasa harapan ko o bata. Sukong-suko na ako. Alam kong pumayag ako na maging clingy siya pero hindi ko naman sinabing pumapayag ako na mag-babysit sa isang isip-bata.
Umusog siya papunta sa akin. Hinawakan niya ang isang binti ko at inuyog iyon.
“Sige na! Titigil naman ako kapag binigay mo, eh!” Nag-puppy eyes siya. “Please?” Niyapos niya ang binti ko.
“Tigilan mo nga ako! Nababaliw ka na!”
“Ikaw ba naman walang kiss ng isang araw, hindi ka ba mababaliw?” Kunwari ay malungkot ang pagkakasabi niya.
“Hindi! Bakit naman ako mababaliw?” Tinaas ko ang isang kilay ko.
“Ikaw 'yon! Ikaw 'yon kasi may nagki-kiss sa'yo na iba! Eh, ako?! Paano ako?! Naman, ih! Gusto ko lang naman ng kiss, ih!” Pinadyak-padyak niya ang paa niya habang parang bata na naglulumpasay.
Wala namang kumi-kiss sa akin na iba tamang hinala na naman 'to. Napailing na lang ako at tumayo. Bago pa man ako makahakbang niyakap na niya agad ang binti ko. Tumingala siya sa akin ng may nagmamakaawang tingin. Ang hitsura niya ay tila inapi na bata. Akala mo naman hinampas ko siya sa puwit. Todo pagmamakaawa ang mukha niya. He curved his lips as he looked down. Para siyang batang nagbabadyang umiyak.
“Hindi mo na ako mahal!” Suminghot siya. “Kiss lang naman ang damot mo!”
Gusto kong matawa sa ginagawa niya. Hindi naman kasi angkop sa edad niya ang kalokohan niya. Nagmumukha lang siyang tanga. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang pagtawa. Tinakpan ko rin ang bibig ko. Muli siyang tumingala sa akin ng may masamang titig.
“Bakit mo 'ko pinagtatawanan?” Seryosong tanong niya.
“Kasi... Pft! HAHAHAHA! Para kang bata! Gurang ka na tapos kung umasta ka parang bata HAHAHAHA! Huy! Huwag ka ngang over acting diyan! Akala mo naman walang humahalik sa'yo, pft!” Tumatawang sabi ko.
Binitawan niya ang binti ko at tumayo. Pinagpag niya ang puwit niyang nadumihan dahil sa paglulumpasay niya sa sahig.
“Wala naman talaga, ah. Kanino mo narinig na mayroon para mapadugo ko ang nguso?”
Umiling ako. “Wala akong narinigan, baliw!” I cleared my throat as I stop laughing. “Mabuti sana kung hindi ko alam na naghahalikan kayo ng girlfriend mo na si Tiarra. Palagi ko kaya kayong nahuhuli na naglalampungan.” Ilang beses na. Unang beses ko nga na nahuli sila talagang nasaktan ako. Ayon din ang unang beses na nagkita kami.
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...
