ACYLLE'S POV
Ang sabi ko tinatamad akong gumala ngayon, as in tinatamad. Ang kaso nga lang in-invite ako ni Lucille para samahan siyang mamili ng gagamitin nilang venue para sa birthday ng anak nilang si Zhie. Mag-i-eight na ito kaya naman bongga ang birthday. No'ng seven din bongga kaso hindi kami naka-uwi sa Pilipinas.
“Mommy, where are you going po?” Tanong ng anak ko. May hawak pa siyang kutsara at ice cream.
“Pupuntahan ko lang si tita, okay? Nagpapasama siya. Stay here and huwag magpapasaway sa nanny mo, gets?” Pinunasan ko ang naka-kalat na ice cream sa gilid ng labi niya.
“Ate, ikaw na po muna ang bahala kay Trea, ha? Huwag mo po siyang palalabasin baka masagasaan then mamayang 12 pm po painumin mo siya ng vitamins,” bilin ko sa yaya ni Trea.
“Opo, ma'am ako na pong bahala sa kaniya.”
“Mommy, uwi po ikaw agad, ha? I will miss you po!” Ngumuso siya. Ibig sabihin gusto niya ng kiss.
Yumuko ako at hinayaang halikan niya ang magkabilang pisngi ko. Hinalikan ko rin siya sa kaniyang noo bago tuluyang magpaalam sa kanila. Labag sa loob ko ngunit pinsan ko ang nakiusap sa akin. Isa pa, may ibabalita raw siya na talagang gugustohin kong malaman. Sana nga lang ay maganda ang balitang iyon o makatutulong sa akin. Talagang masasakal ko siya kapag walang kuwenta.
Busy din ako sa pangangalap ng information tungkol sa buhay ngayon ni Hammer. He blocked on all his social media account as well as his number. Wala na akong balita sa kaniya, wala ring kinu-kuwento sa akin si Lucille. Mas gusto kong ako ang makakaalam mismo kung kumusta na siya at anong lagay niya. Doon mo malalaman kung paano ko siya pakikisamahan.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa sinabi ni Lucille na resort. Agad akong pinark ang kotse ko at bumaba. Siniguro kong naka-lock ito ng maayos. Sa America ilang beses na akong nanakawan ng kotse. Ang gagaling ng mga carnapper doon.
“Salamat! Dumating ka rin!” Akala mo naman talaga gusto kong pumunta.
Napagulong ang mata ko. “Napilitan lang ako 'no! Alam mong kagagaling ko lang sa flight ko tapos uutusan mo akong samahan ka!” Pasermong sabi ko.
“Ayt! Naman, eh!” Lumingkis siya sa braso ko. “Hindi nga kasi puwede si Gray may business siyang aayusin kaya ikaw na lang!” Hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.
Siniko ko siya ng mahina. “Kahit na! Tara na nga para matapos tayo agad!” Na-una na akong maglakad papasok.
Narinig ko ang mahinang tawa niya bago sumunod sa akin. Habang papasok kami ay ini-explain sa amin ng manager ang tungkol sa resort. Kung gaano ito kalawak at kung ilang tao ang kasya sa loob. Actually, maganda siya. Mula sa mga chandelier sa lobby, bar, sa mga rooms, at syempre hindi rin pqpakabog ang magandang view nila sa may pool. Nature vibes ang peg. Pinakikinggan ko lang sila na nag-uusap habang panay tingin naman ako sa cellphone ko. Sanay akong nawawala sa tabi ng anak ko pero hindi ngayon dahil ibang tao ang kasama niya. Although, recommended ni Lucille ang nanny niya iba pa rin para sa akin ang kamag-anak o kakilala ko ang nagbabantay. Baka lalo akong mapatay ni Hammer kapag nalaman niyang may anak kami at hinayaan ko lang na may mangyaring masama rito.
Hindi ko namalayan na napunta na pala kami sa pool area—private pool area. Literal na pribado dahil may isang malaking bahay na nakatayo malapit lang sa pool kung saan puwedeng mag-stay ang isang pamilya o higit pa. Nagawi ang tingin ko sa pool. Nanliit ang mata ko ng may mapansin akong pamilyar na tao. Kasabay no'n ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako puwedeng magkamali, kilala ko ang katawang iyon.

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
Roman d'amourR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...