CHAPTER 9

779 21 8
                                    

ACYLLE'S POV

Matapos ang mahabang pag-iisip nakapag-desisyon na rin ako. Alam kong masyadong mabilis pero gusto kong subukan at kung magwo-work man kaming dalawa hindi ko na siya pakakawalan. Na sa property kami ngayon, naka-upo ako habang kinakausap niya ang engineer. Narinig ko na baka isang linggo na lang kami rito sa isla. May bago raw pinagagawa kay Hammer ang tatay niya.

Walang naku-kuwento sa akin si Hammer tungkol sa relasyon nila ng ng tatay niya pero sa nakikita ko hindi maganda. Dito sa isla pa lang, pinadala siya para ayusin ang kabibili lang na property tapos hindi man lang sila tumulong. The worst thing is, paano kapag natapos na ang kinalabasan? Hindi man lang ni ibibigay ang credit sa kaniya? Ang hirap kapag gano'ng klase ang magulang. Mabuti na lang talaga at pantay ang tingin sa amin nila nanay at tatay. Walang lamang at kinakawawa. Masyado lang akong spoiled pagdating sa kalayaan.

“Naks! Sitting ugly ka diyan, ah!” Puna niya sa akin. Naka-upo ako sa mono block na may nakatapat na electric fan.

I rolled my eyes. “Mukha ba akong ugly, Hammer, ha?!” Namimikon na naman.

Umiling siya at tumawa. “Ang cute mo lang kasi talaga kapag tumawa. Para kang favorite dog ko, achuchu!” He tickled me on the chin.

Tinabig ko ang kamay ko. Nakaka-embarrassed kaya ang ginagawa niya. May mga tao pa namang tumitingin.

“Ayaw na ng doggie ko sa akin!” His head down and his voice become wobbly. He pretend that he's crying and fake his sniff.

Isip-bata!

Hinayaan ko na lang siya. Wala na naman siyang magawa.

“Doggie, sorry na.” Unti-unti niyang inangat ang ulo niya. Tumingin siya sa akin ng naka-puppy eyes.

“Hindi ka na aawayin ni master, sorry na!” Bigla siyang lumuhod sa harapan ko sabay yakap sa dalawang binti ko.

“Hammer!” May paninitang tawag ko sa kaniya.

“Hmp! Ayaw ko na nga ang pangit mo ka-bonding!” Tumayo siya at pinagpag ang pantalon niya. “Ma-una ka na mamayang pumunta sa hotel may aayusin lang ako.”

I frowned. “Anong aasikasuhin mo? Bakit hindi puwedeng kasama ako?” Dalawang sunod na tanong ko, naghihinala ako.

Mahina niyang pinitik ang noo ko. “Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano, tss! Darating ang secretary ni daddy and he want me to tour that stupid old woman here. Hindi na kita isasama magiging iba ang kuwento pagdating ka dad, gets?”

Ah... so ayaw niya na ma-issue kaming dalawa?

“Okay.” Tanging sinagot ko habang natango.

“Lock the door and don't open it until you hear me calling your name, intindi?”

“Oo na! Alam ko na!” Kinamot ko ang loob ng tainga ko sa pagkarindi.

“Pinapaalala ko lang kasi tulog mantika ka. Baka mamaya ginagapang ka na pala ng iba wala kang kaalam-alam. Ang suwerte naman ng iba, na-una pa sa akin.” Hinampas ko siya ng malakas sa hita.

“Ikaw!” Duro ko sa kaniya. “Puro na lang talaga ka-manyakan ang laman ng utak mo na 'yan, nakakainis na!” Pati ba naman sa public mamanyakin ako.

Tumawa lang siya. “Natutuwa talaga ako kapag namumula 'yang tainga mo. Nagmu-mukha ka na talagang si Grumpy sa snow white. Grumpy na nga lang itatawag ko sa'yo ngayon.” He pinched my nose softly. “Hi, grumpy!” Ginawa pa nga ako ng nickname.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon