ACYLLE'S POV
Ang kapal ng mukha niya! Kaya pala halos ayaw niya akong isama kasi nambabae siya at hindi nagta-trabaho! Bakit?! Hindi ko naman siya di-distorbohin kahit sa harapan ko la sila maghalikan! Ang taas na nga ng pride niya babaero pa siya! May pa-party pa siyang nalalaman kagabi?! Akala niya ba kinaguwapo niya ang mga babae niyang low class?! Pagbuhulin ko silang lahat!
Bakit feeling ko nagseselos ako?! Hindi! Bakit ako magseselos?! Guwapo ba siya?! Artista ba? Hindi naman, ah! Isa lang naman siyang Hammer na pokpok na may gusto raw sa akin pero lumalandi sa ibang babae! Siguro kaya niya sinabing may gusto siya sa akin dahil gusto niya akong idagdag sa collection niya. Ha! Akala niya ba makukuha niya ako?! Nagkakamali siya! Isa akong Hernandez at isang Jacinto! Hindi ako basta-bastang babae na bibigay lang sa kagaya niyang lalaki!
“Kumalma ka muna, couz masyado kang high blood.”
“Paano ako kakalma?! Naiinis ako dahil imbis na nagta-trabaho ako ginawa akong bantay ng hotel! Mukha ba akong stuff, ha?!” Halos magasgas na ang lalamunan ko kakasigaw kay Lucille sa kabilang linya.
“Ayt, naman! Ang sakit sa tainga ng boses mo!”
“Isipin mo, akala ko nagta-trabaho siya at kaya ayaw niya akong isama dahil wala akong alam sa trabaho pero mali pala! Nambabae pala siya kaya ayaw niya akong isama. Bakit?! Pipigilan ko ba siya, ha?! Wala naman balak na pigilan siya, ah! Anong pake ko kung makipaglaplapan pa siya sa ibang babae sa harapan ko!”
“Alam mo? Hindi ko maintindihan kung anong pino-point out mo, couz. Kung 'yong pamba-babae ba ni Hammer o 'yong hindi niya pagsama sa'yo sa trabaho.” Kahit wala sa harapan ko ngayon si Lucille tila nakikita ko naman sa isipan ang expression niya.
Maging ako hindi ko rin alam ang pinupunto ko. Naiinis ako sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan. Nangangapa ako kung ano ba talagang reason at kumukulo ng husto ang dugo ko.
“Ewan!” Tanging nasabi ko.
“Relax, baka nagseselos ka lang kaya—”
“Ako? Magseselos?! Bakit naman ako magseselos?! Guwapo ba diyan, ha?! Hindi naman, ah! Wala akong pake kung mangbabae siya! Kaya ko rin naman manlalaki kung gusto ko!”
Narinig ko ang malakas na tawa ni Lucille. Natigilan ako kasabay ng pagkunot ng noo ko.
“Bakit ka tumatawa?”
“Kasi naman... ang defensive mo masyado, Syl!” Tumawa na naman siya ng malakas.
“N-Nagsasabi lang naman ako. A-Ano bang defensive sa sinabi ko?” Bahagyang humina ang aking boses.
“Ibig sabihin ko lang naman kasi, baka nagseselos ka kasi mas nag-i-enjoy siya tapos ikaw palaging nakukulong sa hotel. Ito naman, masyado mo namang ina-ano si Hammer.”
Tangina!
Sa inis ko ay pinatayan ko siya ng tawag. Hindi kasi nilinaw kung ano-ano tuloy ang nasabi ko. Hinagis ko sa sofa ang cellphone ko sa yamot. Bored na nga ako wala pa akong magawa. Gusto ko na lang maging hotdog sa loob ng freezer kapag ganito.
Tumingala ako sa kisame. Nag-iisip ako kung anong puwede kong gawin ngayon. Kapag na sa labas ako palagi akong napapaaway, kapag na sa loob naman ako tila isa akong preso. Saan ba talaga ako lulugar?
“You're awake.” Speaking of the malanding devil.
“Tulog pa ako, nakikita mo naman nakapikit pa ako,” pabalang na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...
