Kabanata 43 : Tugon

294 40 5
                                    

Kabanata 43 : Tugon

Canmore Country, Middle East


"Naiintindihan mo ako. Gumawa ka ng paraan na hindi ako mamatay dahil sisiguraduhin ko isasama kita na alam ko na ayaw mo dahil hindi mo na makakasama ang mag-iina mo." inis na sabi ni Dinar.

"Ako na kaya pupugot ng ulo dito." sabi ni Jamal sa isip habang nagtitimpi itong pilipitin ang leeg ni Dinar.

"Sumagot ka!" sigaw ni Dinar ng titigan lang siya ni Jamal.

"Allah, bigyan niyo po ako ng maraming pagtitimpi, pang-unawa at pagmamahal para po maibigay ko ang tamang desisyon bilang Tagahukom na Ministro." sabi ni Jamal sa isip.

Nang hindi sumagot si Jamal lalong nakaramdam ng takot si Dinar.

"Gago ito ha, papatayin talaga yata ako." sabi ni Dinar sa isip kaya naman dala ng takot nilabas niya ang nararamdaman sa pamamagitang ng galit.

"Hoy! Sumagot ka! Ililigtas mo ako at iuuwi mo ako sa amin dahil papatayin kita!" sigaw ni Dinar na ang takot na nadarama para sa kaligtasan niya ay inilabas niya sa galit para hindi siya mahalata sa totoong nadarama.

Napangisi si Jamal dahil mukhang walang alam ang babae sa harapan niya tungkol sa batas sa bansang iyon.

"Anong ngingisi-ngisi mo diyan!?" inis na sabi ni Dinar sabay sipa sa mukha ni Jamal na ikinagulat ni Jamal dahil sakto sa mukha niyang guwapo ang sapatos ni Dinar na madumi pa.

"Sumagot ka!" inis na sabi ni Dinar na ikinatiim ng bagang ni Jamal ng ulitin ni Dinar ang pagsipa sa mukha niya.

Sagot!" sigaw ni Dinar pero akmang sisipain muli nito si Jamal sa ikatlong pagkakataon ng mabilis nang nahawakan ni Jamal ang paa niya bago pa tumama muli sa mukha nito.

Matalim na tumingin si Jamal kay Dinar na ikinalunok ng dalaga sabay usal.

"Oh Lord, papatayin ako ng arabo. My God! Baka dalhin ako sa disyerto. Hindi puwede! Ayoko matulad sa mga Pinay na namatay sa middle east." sabi ni Dinar sa isip saka ito nagpumiglas pero mahigpit na hinawakan ni Jamal ang paa niya na ikinaigik niya.

"Bitawan mo ako, tatadyakan ko ang bayag mo." sabi ni Dinar na ikinaseryoso ni Jamal saka ito umusal.

"Alam mo sa ginagawa mo, hindi mo lalo maipagtatanggol ang sarili mo dahil ang ginagawa mo sa isang Ministro ay labag sa batas ng bansang ito. Ang pananakit, pagsasalita ng hindi maganda ay may kaukulang parusa at ang ginawa mong pagsipa sa akin ay may kapalit na parusa na mauuwi din sa pagpugot ng ulo mo." sabi ni Jamal.

"Subukan mo! Hahatiin ko iyan birdie mo." sabi ni Dinar na ikinangisi ni Jamal.


"Ang katapangan mo ay ilugar mo. Ang mga tulad mong pinoy ay namamatay sa middle east dahil sa hindi pagsunod sa batas na kung tutuusin madali lang naman sumunod, kaso hindi nga lang ito gaya sa bansang pinanggalingan mo na ang batas ay napapaikot kaya naman wala kang alam sa totoong BATAS."
sabi ni Jamal sabay marahas na pagbaba ng paa ni Dinar.

"Ang yabang mo. Eh kung tutuusin nga ilang beses ka rin sumuway sa batas ng bansa mo. Hindi lang isa kundi dalawa, na major case pa. Una kay Peso ng itakas mo siya bilang espiya ng palasyo at pangalawa o higit ay ng asawahin mo ang asawa ng hari at naging espiya ng palasyo. Kaya sa ating dalawa kung may pupugutan ng ulo IKAW iyon." sabi ni Dinar na ikinangisi ni Jamal dahil halatang takot ang babae sa harapan niya iyon nga lang kinukubli nito kahit nakikita iyon sa mga mata nito at pagpapawis ng noo.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon