Kabanata 44 : Isang Hagupit ng Katotohanan

291 45 8
                                    

Kabanata 44 : Isang Hagupit ng katotohanan

Canmore Country Middel East


"Ano hindi ka ba talaga bababa? Magdadalawang araw ka na sa kotse ko. Langya ang panghe na dito." sabi ni Jamal kay Dinar na doon na umiihi gamit ang plastic cup.

"Hindi," sabi ni Dinar na kahit siya nababahuan na sa sarili niya dahil hindi pa rin siya naliligo.


"Baka kapag pagtae dito mo rin gawin."
inis na sabi ni Jamal.

"Puwede." sabi ni Dinar habang pilit nito sinusuksok ang charger ng cellphone sa kotse ni Jamal.

"Ang baho mo na." sabi ni Jamal.


"Tsss! Puwede ba mas mabaho ka pa nga ng makilala ka ni Peso. Sabi nga niya amoy basura ka."
mapanuyang sabi ni Dinar kay Jamal.

"Uy! Puwede ba iyong bunganga mo itigil mo. Naturingang lumaki ka sa bansang ganito pero iyong bunganga mo matindi." sabi ni Jamal habang pinagmamasdan si Dinar na pilit sinusuksuk ang wire ng charger sa kotse niya.

"Kung hinahatid mo na ba kasi ako edi wala ka ng problema." sabi ni Dinar.

"Ang kulit mo naman, hindi nga puwede." sabi ni Jamal.


"Iyon naman pala, so dito ako sa kotse mo kasi alam ko naman na hindi nila mabubuksan ang kotse mo kasi Ministro ka at karapatan mo iyon."
sabi ni Dinar na ikinahawak ni Jamal sa batok niya.

"Okay sige. Kung ayaw mong bumaba bahala ka, papasok na ako sa bahay ko." sabi ni Jamal na ikinatingin ni Dinar dito.


"Okay, bahala ka rin."
sabi ni Dinar na ikinailing ni Jamal.

.............

El Paradiso

"Ano?" sabi ni Eye ng makapasok sa kuwarto ni Amon.

"Pumunta ka sa Canmore Palace at kunin mo si Dinar." sabi ni Amon.

"Ano?" sabi ni Eye na nagulat.

"Tinutugis siya ng mga pulis sa bansang iyon dahil sa pagdala ng baril at pagtutok kay Jamal." sabi ni Amon na ikinatahimik ni Eye.

Napahingang malalim si Amon saka ito umusal ng hindi umimik si Eye.


"Kunin mo si Dinar at ibigay mo sa pulis."
sabi ni Amon na ikinanlaki ng mga mata ni Eye.


"Ano? Baliw ka ba? Alam mo ba ang parusa kapag nagdala ka ng baril na walang pahintulot, at ang pagtutok ng baril sa isang Ministro?"
sabi ni Eye na ikinatango ni Amon.


"Oo."
sabi ni Amon.


"Iyon naman pala eh bakit gusto mo yata patayin ang pinsan mo."
sabi ni Eye.

"Pumunta ka doon bilang reporter na mag-aalok ng tulong kay Dinar. Sa pagkakataon na iyon, kikita ka ng malaki at sa sitwasyong iyon malaya mong makukuha ang report papunta dito. Ang buong atensyon ng tao ay nakatutok sayo bilang reporter at sa dalawang tao na nakapaloob sa kaso. Iyon ay si Dinar at si Jamal." sabi ni Amon.


"Then?"
sabi ni Eye.

"Makikita ni Katara ang ulat mo, at sa pagkakataon na iyon mapipilitan si Jamal na pakasalan si Dinar para mailigtas ito." sabi ni Amon.


"Gago! Aisssst! Sorry. I mean alam mo ba ang pinagsasabi mo? Naging hari ka kaya dapat alam mo."
sabi ni Eye.


"Bababa ang pataw na parusa kay Dinar mula sa pagpugot ng ulo, bababa ito sa isandaang hagupit ng latigo sa likuran niya."
sabi ni Amon.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon