Kabanata 49 : Aljins Drugs

543 60 21
                                    

Kabanata 49 : Aljins Drugs

El Paradiso


"Ohhh!" malakas na sigaw ni Katara sabay yakap kay Amon na ikinangiti nila Haco at Lake.

Napatiim naman ng bagang si Amon habang pinapanood ang naturang paghuhukom kay Dinar.

"Tapos na ba?" sabi ni Katara na nanginginig at namumutla habang nakayakap kay Amon.

Hindi nagsalita si Amon, dahil ang napapanood niya ay wala pa sa kalahati ng ginawa sa kanya sa bansang iyon.

"Tapos na ba?" napaiyak na sigaw na sabi ni Katara ng hindi umimik si Amon.

Nang hindi muli sumagot si Amon, napalunok si Katara.

Niyaya siya kanina manood ng tatlo ang akala niya simpleng pelikula lang pero nagtaka siya dahil sa kabilang kuwarto sila nanood at saktong tulog na ang mga bata.

Pagbukas ng laptop ni Haco nagulat siya dahil iba pala ang papanoorin nila. Sa una ang akala niya paglilitis lamang iyon, alam niya ang website dahil nanood na dati sila ni Aj doon kung saan hinihintay nito ang paglilitis kay Amon ng makulong ito. Pero hindi iyon pinalabas sa naturang website.

"Grabe. Hindi ko na yata kaya." sabi ni Lake na hindi naman tumitingin sa pinapanood kundi sa reaksyon lang ni Amon

"Patayin na natin?" sabi ni Haco na hindi rin naman nanonood at nagbabase lang siya sa reaksyon ni Katara kung saan siya nakatitig.

"Patayin niyo na." sabi ni Katara at sa pagsilip nito napasigaw muli ito ng makita ang paghagupit kay Dinar.



"Patayin niyo na!"
sigaw muli ni Katara dahil hindi niya matatagalan ang ganoong panoorin

"Huwag." sabi ni Amon habang nakatutok sa pinapanood nito.

"Tama na," sabi ni Katara sabay tingin kay Amon.

"Masakit iyon." sabi ni Amon na napatiim ng bagang na ikinatingin ni Katara kay Amon.

"Masakit talaga." sabi ni Haco saka nito isinara ang laptop.

"Tatlong hagupit lang ako pero siya limang hagupit sa loob ng twenty days." sabi ni Amon sabay tingin kay Lake.

"Tatlong hagupit?" napakunot na sabi ni Lake.

"Oo." sabi ni Amon.

"Ikaw?" sabi naman ni Haco na di makapaniwala.

"Mamamatay siya nun." sabi ni Amon na ang balak lang ipa-realize kay Katara ang nangyayari pero hindi kasi nagkaroon siya ng pag-aalala para kay Dinar.

Napatingin si Katara sa laptop, tila nakikita pa niya ang mukha ni Jamal habang nakatingin kay Dinar at nilalatigo ito.

"Anong ginagawa nila Hestia at Aj?" sabi ni Amon saka ito kinuha ang cellphone.

"Wala naman sila magagawa, batas iyon sa bansang iyon." sabi ni Lake. Na ikinatingin ni Amon dito.


"Meron, dahil reyna si Hestia kaya imposible na wala siya magagawa. Hindi ako naniniwala na walang kapangyarihan ang reyna sa mga bagay at sitwasyong ganito."
sabi ni Amon.

"Hayaan na natin sila." sabi ni Katara na ikinatingin ni Amon dito.

"Anong hayaan? Mamamatay si Dinar sa kamay ng Jamal na iyon." sabi ni Amon.

"Na kay Jamal na iyon kung papatayin niya talaga." sabi ni Katara.

"Anong ibig mong sabihin? Papatayin niya para bumalik siya sayo? Na gusto mo naman?" sabi ni Amon na ikinailing ni Katara.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon