Kabanata 40 : Imahe

273 44 11
                                    


Kabanata 40 : Imahe

Canmore Country, Middle East


"Hindi ka puwede umalis." sabi ni Jamal kay Dinar habang nasa kotse pa rin si Dinar na wala yatang balak bumaba.


"Uyyy! Hindi puwede dahil hinihintay ako nila Euro."
sabi ni Dinar.

"Nakita ka ng mga pulis at tiyak hinahanap ka na." sabi ni Jamal.


"Nakita ka rin nila."
sabi ni Dinar na ikinatiim ng bagang ni Jamal habang nakatitig kay Dinar na nakaupo sa loob ng kotse niya.

"Ministro ako kaya kahit nakita nila ako ang iisipin nila ikaw na nagkasala." sabi ni Jamal na ikinapadyak ng mga paa ni Dinar sa inis.


"Gagong Himeko kasi iyon."
inis na sabi ni Dinar.


"Bakit kasi kayo nandito?"
sabi ni Jamal.


"Binabantayan namin ang reyna."
sabi ni Dinar.


"Wala si Hestia dito."
sabi ni Jamal.

"Alam namin. "sabi ni Dinar.


"Tsss! Alam niyo pala so bakit kayo nandito?"
inis na sabi ni Jamal.


"Bakit masama ba?"
sabi ni Dinar na napataas ng kilay.

"Oo." sabi ni Jamal.


"Iyo ba ang bansang ito?"
sabi ni Dinar.

"Oo." sabi ni Jamal.


"Wheee! Paanong sayo? Eh! Hindi ka nga pinapasok sa palasyo."
natawang sabi ni Dinar na ikinatiim ng bagang ni Jamal.

"Pasalamat ka hindi ako pinapasok kasi kung hindi baka ngayon nasa bayan ka na at pinagkakaguluhan para pugutan ng ulo." sabi ni Jamal.


"Owww! So, thank you."
napangising sabi ni Dinar.

"Matapos si Peso, ikaw naman." sabi ni Jamal.


"Ililigtas mo ako?"
nakangising sabi ni Dinar na ikinatingin ni Jamal dito.


"Saan ako hahanap ng kamukha mo para ipalit sayo at pugutan ng ulo sa bayan?"
sarkastikong sabi ni Jamal na ikinatawa ni Dinar.

"Hahahaha! No need naman, ang gawin mo lang palabasin ako ng bansa niyo." sabi ni Dinar


"Hindi ganoon kadali iyon ngayon."
sabi ni Jamal.


"Nagawa mo nga kay Peso, pero bakit sa akin hindi puwede. May favoritism ka 'no?"
sabi ni Dinar na nainis sa sinabi ni Jamal.

"Kasi may dala kang armas si Peso wala naman." sabi ni Jamal sabay sakay ng kotse nito dahil si Dinar ayaw umalis doon.

"Whatever, kung ayaw mo akong tulungan kaya ko naman ang sarili ko. Uuwi ako mag-isa." sabi ni Dinar na ikinailing ni Jamal dahil makulit ito at wala siya panahon dito.

....................

Hours later

"Kain po." yayang sabi ni Neeya habang nasa hapag kainan na ito kasama ng mga kapatid.


Napatingin ng pasimple si Katara kay Amon at Eye, kalalabas lang ng mga ito ng kuwarto. Iba na ang suot ng dalawa at mukhang masaya naman ang dalawa sa kung anumang ginawa ng mga ito kanina.

4.6-2 The King's Heir : 4th Gen. Series #6-2 : Amon and Katara : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon