Hindi niya alam kung bakit siya naiinis. Bakit siya nakakaramdam ng pagkairita habang naririnig na naglalambing ang fiance ng hari dito.
Talagang kanina pa siya naiinis lalo na at napakaarte nito. Hindi naman madulas o matarik ang daan pero kanda paalalay ito sa hari.
Parang gusto pa na nga itong itulak para mas may kalalagyan ang kaartehan nito. Ang lakas magyayang pumunta ng talon pero napakaarte naman. Buti sana kung bagay dito. Hindi naman kagandahan na parang inginudngod naman ang mukha sa inidoro.
Kung hindi lang iniisip na trabaho niya ang bantayan ang hari ay baka kanina pa niya iniwan ang mga ito para hindi na siya makaramdam ng inis.
Mabibigat ang naging hakbang niya na nagdadabog sa hindi maitagong pagkairita hanggang sa marating nila mismo ang talon.
"Wow." Hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ng fiance ng hari.
Siya man ay ganun din dahil sadya nga namang napakaganda. Ang tubig na nanggagaling sa taas sa pagitan ng malaking bato.
"I wanna swin." Ang fiance ng hari na tumingin pa dito at humihingi ng pahintulot.
"Just go on." Pagpayag naman nito na walang pagdadalawang isip na tinanggal lahat ng saplot sa katawan dahil wala nga naman silang kadala-dalang kahit na anong gamit na pamalit.
Naiiwas naman niya ang paningin habang ang hari ay nakatingin lamang dito.
Napalabi siya. Ano ba ang ikinaganda ng katawan nito? Sa loob loob niya na hindi niya alam kung bakit naiinis na naman siya habang nakikitang may ibang tinitignang katawan ang mga mata ng hari.
"Grrr." Mahinang iyon sa panggagalaiti niyang angil na humakbang patalikod sa mga ito.
Pumili siya ng magandang pwesto para doon maupo habang maghihintay na lang sa kung kailan nila balak umuwi. Iyon naman ang trabaho niya.
Ang bantayan ang hari at siguraduhing walang panganib sa paligid.
"Are you okay?" Nagitla siya sa pagkagulat ng marinig ang hari na sumunod pala sa kanya.
"Y-yes, of course, your majesty. Bakit niyo iniwan doon ang fiance mo, your majesty. Baka malunod iyon." Tanong niya dito kahit hindi naman nais itaboy. Ayaw lang niya na nasa malapit ito sa kanya dahil maaalala malamang niya mainit na pinagsaluhan nilang dalawa.
"He is fine there and my fiance knows how to swim." Sagot nito na naupo pa talaga sa tabi niya.
Umusad siya palayo dito ng magdikit ang balat nila sa braso.
"By any chance, are you jealous?" Tanong ng hari na ikinabigla niya at marahas na napatingin siya muli dito.
"Huh! W-what do you mean, your majesty?"
"Earlier, napapansin ko na sinasadya mong hindi ayusin ang pagmamaneho mo para lamang hindi ako mahalikan ng fiance ko." Sabi nito na naging dahilan para marahas siyang napalunok na halos hindi naman niya malunok ang sariling laway dahil parang may malaking bagay na nakabara sa lalamunan niya.
"I-im s-sorry y-your majesty." Nahihiyang hingi niya ng paumanhin dito saka siya yumuko. "A-and why should I be jealous."
Napakislot pa siya ng lumapit ito muli sa kanya at hawakan ang baba niya at pinatingala siya para magtama ang mga mata nila.
Nasa mga mata nito ang pagtatanong na gusto ng kasagutan.
"You know what? I haven't touch my fiance yet."
"Huh!" Nagulat pa siya dahil sa sinabi nito. Hindi siya naniniwala.
"Yes. You heard me right, Ishan. You know the laws and customs in our country, right."
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
