GPS SIDE STORY VI: FORTY-TWO

4.6K 275 37
                                        

Walang palatandaan kung nasaan na ang batang nakita nila ng hari na ngayon ay pinaghahahanap na ng tauhan ni Karrim.

Nakapagpasya na siyang bumalik na lamang at magtatanong kay Karrim kung bakit nito ipinapahanap ang bata?

Pabalik na siya sa motor na itinago niya ulit sa hindi kalayuan. Pero nagulat pa siya ng makitang nakasandal doon ang hari.

Kumurap pa siya dahil naisip na baka namamalikmata lamang siya.

"Hindi mo man lang ba iniisip ang sarili mo?" Tanong nito sa seryusong tinig.

"Your majesty. What are you doing here?"

"How about you? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito sa mga ganitong oras?"

"I-i just..."

"Isa ka parin omega, Ishan. May limitasyon ang lakas mo at alam mo kung gaano kadelikado sa mga lugar na ganito." May pagtaas ng tuno ng boses nito habang pinagsasabihan siya.

Napayuko siya.

"Alam ko ang iniisip mo. Gusto mong hanapin ang batang nakita natin dahil iniisip mo na baka siya ang anak natin."

"Y-your majesty "

"Damn it, Ishan. Hindi mo kailangang kumilos ng mag isa." Sigaw nito na nakapagpapipi sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit ito galit na galit pero nasa tinig parin nito ang pag aalala.

Humakbang ang hari palapit sa kanya. Hinawakan sa magkabilang braso saka siya hinila at ikinulong sa mga bisig nito.

Sa pagyakap sa kanya ng hari ay hindi niya mapigilan ang mga luha. Luha na hindi niya alam kung para saan?

"I can't lose you again, Ishan. At hindi sa ganitong paraan. So please, huwag kang gagawa ng mga bagay na ikakapahamak mo."

"Y-your majesty."

"Alam kong nakita mo ang mga tauhan ni Karrim na hinahanap din ang bata. Ako ang nagpautos sa kanila para hanapin ito."

Napatingala si Ishan sa hari ng pakawalan siya nito.

"Ayaw kong umasa ka ng matagal sa kakaisip na ang batang iyon ay ang anak natin kaya ko sila inutusan. Gusto kong kunin ang DNA nito para i test ng maliwanagan ang ang isip mo. Kaya nakikiusap ako sayo, Ishan. Huwag mo ng gawin ito ng mag isa."

Hindi siya nakapagsalita. Pinahid pa ng hari ang nalaglag na luha sa kanyang mga mata.

"Sasabihin ko sayo kapag nahanap na nila ang bata. Kaya sana, huwag mo ng ulitin ito. Hayaan na natin silang maghanap sa bata."

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga habang nakatingin parin siya sa hari. Kusa siyang tumango.

"Good." Sabi ng hari na sunundan nito ng pagyuko at ginawaran siya ng mariing halik sa nuo.

Napapikit naman siya dahil doon. Kusa pang kumilos ang mga kamay niya na tila may nag uutos sa kanyang iyakap iyon sa hari.

"Thank you." Mahina niyang wika na isinubsob pa ang mukha sa dibdib nito. Na sa mga bisig nito ay nakaramdam siya ng kapayapaan sa isip.

Napangiti naman ang hari sa ginawa niya kaya ikinulong siya nitong muli sa mga bisig.




Kinaumagahan.

Tinanghali ng gising si Ishan matapos siyang ihatid ng hari. Umuwi ang hari dala ang motor na sinakyan nila pauwi galing sa kagubatan habang ang sinakyan nito ay ipinamaneho sa isa sa tauhan ni Karrim.

Kaya wala siyang masasakyang papunta sa palasyo ni Karrim para ituloy lang ang trabaho niya.

Pero nilinaw naman ng hari bago ito umuwi kagabi ay hindi niya kailangang pumunta ngayon sa palasyo. Magpahinga na lang daw siya kaya naman nakaramdam siya ng pagkabagot

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon