GPS SIDE STORY VI: THIRTY-SIX

6.6K 342 105
                                        

"Hahaha." Malutong na pagtawa ni Karrim habang nakatingin sa kanya.

"Stop, will you." Galit na pagpapatigil niya dito dahil naririndi ang tainga niya sa lakas ng pagtawa nito.

"Did you just pick up an omega on your way here? Haha, it would have been good if you had chosen someone better than your ex-wife."

"He is still my wife not ex." Gigil na pagtatama niya sa sinabi nito.

Hindi naman napawalang bisa ang kasal nila. Tanging ang bond lang naman nila ang naputol dahil sa pagtanggi niya dito.

At hindi naman basta basta makakahanap ng ibang mate si Ishan maliban na lang kung mahihigitan ng ibang Alpha ang lakas niya. Dahil hindi naman tatanggapin ng katawan nito ang makipagpareha sa iba kung hindi mas malakas ang Alpha na iyon kaysa sa kanya.

"Oh! My mistake. Haha... I- I just got carried away." Sabi lang nito na may kasamang pagtawa.

Parang gusto niya itong batukan dahil sa pinagtatawanan siya nito.

"Haha. But you should at least look for something more beautiful and capable of surpassing the beauty of your wife." Pang uulit pa nito na hindi pa tumigil sa pagtawa.

"Shut the hell up, will you." Sigaw niya dito na mas lalong ikinatawa nito ng malakas.

Nanggagalaiting tinalikuran niya ito dahil kapag hindi niya ginawa iyon ay baka hindi niya mapigilan ang suntukin ito.

Hindi naman niya naisip na dapat pala mas maganda kay Ishan ang kinuha niya. Hindi naman kasi sinabi ni Karrim sa kanya iyon na basta magdala na lang siya ng isang omega at ipapakilala bilang kasintahan.

Sa una ay hindi niya gusto ang ideya nito dahil iisipin pa lang niya na hahawak siya at madidikit sa isang lalaking omega ay parang gusto na niyang masuka.

"Damn you, Karrim." Gigil at kuyom ang kamao nito. Hindi naman niya kailangang gumamit ng iba dahil kung talagang gusto niya muling markahan ang asawa niya ay magagawa niya pero..

"Ugh. Do I need to make him jealous?" Naiinis pa na tanong sa sarili.

Dahil sa inis kay Karrim ay minabuti niyang lumabas ng palasyo at magpahangin na lang ng mawala ang pagkainis na nararamdaman.

"That's not my forte. I'd rather fight or hold a gun than help them decorate."

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses sa kalagitnaan ng mayayabong na halaman sa hardin kung saan siya napadpad.

Boses iyon ni Ishan kaya naman hinanap niya iyon. Sa hindi kalayuan ay nakita niya ito na kausap nga ang omegang basta na lang niyang isinama sa palasyo ni Karrim.

"Hey! I'm not done with you yet. Come back. You bastard. Wala kang modo." Sigaw ng omega sa asawa niya kaya nakaramdam siya ng galit dito at basta na lang itong hinila.

"How dare you yell at my wife." Gigil na sinakal pa niya ito.

"Y-your majesty."

"Umayos ka omega. Hindi kita isinama dito para magawa mo ang lahat ng gusto mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Galit na marahas niya itong binitawan.

"Y-yes y-your majesty." Nahintakutan naman ito sa ipinakita niyang galit.

"Go back to your fucking room and don't wander around without my permission."

Dali dali namang tumakbong palayo ang omega sa kanya. Habang siya ay palihim na sinundan si Ishan na lumabas ng gate ng palasyo.

Sa hindi kalayuan ay pinagmasdan niya ito. Hindi niya inalis ang tingin dito na kung sakaling makasalubong man ito ng panganib ay kaya niyang ipagtanggol ito.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon