GPS SIDE STORY VI: FORTY-EIGHT

5K 277 61
                                        

"Daddy Zarim." Si Idris na kasama niyang nakatingala dahil sa sasakyang pang himpapawid na dumaan sa tapat nila.

Kunot ang nuo niyang napatingin sa anak niya sa sinabi nito. Nakita niyang kumikislap na naman ang kulay ginto nitong mata habang nakatingin sa taas.

"Anong ibig mong sabihin, Idris?" Tanong oa niya dito.

"Si Daddy Zarim ang sakay ng helicopter."

"Huh." Muli siyang napatingala pero pahina na ng pahina ang tunog ng helicopter na dumaan sa tapat nila. Bigla siyang kinabahan pero hindi niya alam kung bakit at para saan ang kabang iyon.

"Saan siya pupunta daddy?" Tanong nito sa kanya na muling tumingala.

"H-hindi ko alam, baby. Halika. Bumalik na tayo sa palasyo at tanungin natin ang tito Karrim mo kung saan pupunta ang daddy Zarim mo." Sabi niya sa anak na muling hinawakan ito sa kamay na bumalik sila sa palasyo.

Limang minuto din ang inilakad nila bago makalabas ng kagubatan. Kinarga pa niya ang anak niya sa pagmamadi para lamang agad na makapasok ng palasyo.

"Bakit daddy?" Tanong ng anak niya na nahalata yatang bigla siyang nabalisa.

"Wala baby. Para lang agad tayong makapasok sa palasyo." Sagot niya dito na sinamahan na ng bilis ang bawat hakbang niya kaya agad silang nakapasok sa loob ng palasyo.

Nakasalubong pa nga nila si Karrim kaya hindi na niya kinailangang hanapin ito para tanungin kung si Zarim nga ba ang lulan ng sasakyang pang himpapawid na umalis kanina.

"Hello, Idris. Tapos na ba ang pamamasyal niyo ng daddy mo?" Si Fan na kasunod ni Karrim na ipinatong pa ang kamay sa ulo nito ng maibaba niya.

"Opo." Magalang nitong sagot na nakapagpangiti sa kanila dahil nakikita nila na maganda ang turo ng nag alaga sa anak niya.

"A-ang..." halos hindi niya mabigkas ang gustong tanungin sa mag asawa.

"Yes? May sasabihin ka ba, Ishan?" Tanong ni Fan sa kanya.

"W-wala." Pero mas pinili niya ang hindi ituloy ang pagtatanong sa mga ito kung si Zarim ba ang sakay ng helicopter na umalis kanina. "Aakyat na lang muna kami ng anak ko." Paalam na niya sa mga ito. "Let's go, Idris." Hawak ang kamay ng anak niya na umakyat sa hagdan at hindi na nilingon ang mag asawa.




Napatulog niya ang kanyang anak ng manatili sila sa kwarto ng halos dalawang oras. Nais din sana niyang umidlip pero hindi siya mapakali.

Alam na niyang si Zarim ang umalis lulan ng helicopter na iyon dahil kung nandito ito ay kahit na hindi sila nag iimikan ay papasok at papasok parin ito sa silid at titignan ang anak nila pero dalawang oras na sila sa kwarto ay hindi parin ito pumapasok.

Niyuko niya ang anak at dinampian ng halik ito sa nuo. Inayos ang kumot nito bago siya nagpasyang lumabas at kausapin sina Karrim tungkol kay Zarim kung bakit ito umalis at kung bumalik na ba ito sa kaharian.

Pababa na siya mula sa ikatlong palapag ng palasyo. Mahabang mga pasilyo pa ang dinaanan niya bago niya marating ang hagdan para sa unang palapag. Pero bago niya iyon marating ay hindi sinasadyang madaanan ang silid ng mag asawa na nakabukas kaya narinig niya na nag uusap ang mga ito.

Ayaw man sana niyang makinig pero narinig niya ang pangalan ni Zarim kaya maingat ang naging kilos niya para lamang hindi mapansin ng mga ito na nakikinig siya.

Nawala na sa isip niya na silang mga lobo ay matalas ang pandinig at pakiramdam na posibleng alam ng mag asawa na nasa labas nga siya ng silid ng mga ito at nakikinig sa usapan nila.

"Hindi na niya kailangang malaman." Si Karrim

"Pero may anak sila at kailangang malaman ni Ishan ang lahat." Si Fan.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon