"Anong kailangan mo?" Pabalang na tanong ng kanyang Lolo ng dalawin niya ito. Wala na siyang sinayang na oras pa dahil gusto niyang malaman ang totoong nangyari 6 years ago.
"I am here to tell you that my son is alive." Walang pasakalyeng sabi niya sa kanyang lolo.
Nakita niya na tila nagulat naman ito sa sinabi niya. Kunot ang nuong nakatingin sa kanya.
"That impossible." Malakas na tugon ng kanyang lolo.
"Yes, lolo. Impossible, right? At gusto kong sabihin sa inyo na ang anak ko ay hindi isang omega."
"What?"
"At narito ako para tanungin sa inyo kung ano ang mga ginawa niyo noong mga panahong iyon? Sino ang batang namatay nung araw na iyon?" Agad niyang tanong dito na hindi na hinintay na makabawi sa kabiglaan ang kanyang lolo.
"Wala akong alam sa mga sinasabi mo. At imposebleng mabuhay ang anak mo matapos itong painumin ng lason."
"I told you, lolo. Ang batang namatay noon ay hindi ang anak ko. Saan niyo dinala ang anak ko at ano ang ginawa niyo sa kanya?" May galit na tanong niya dito.
"Sinabi kong wala akong alam sa mga sinasabi mo, Zarim."
"Lolo, kahit ngayon lang sabihin niyo sa akin ang totoo. Na kahit man lang sa pagkakataong ito ay makagawa kayo ng tama at maitama ang pagkakamali niyo."
"Hindi ka din nakakaintindi. Sinabi ko na hindi ko alam ang sinasabi mo." Malakas na boses na wika nito. "Umalis ka na. Hindi ko kailangan ng pagbisita mo kung uungkatin mo ang mga bagay na iyan at muling ipamukha sa akin ang mga pagkakamali ko." Sumbat ng kanyang lolo.
Siya naman ngayon ang natigilan. Alam niyang matigas ang puso ng kanyang lolo pero sa mga binitawan nitong salita ay nalangkapan iyon na tila nagsisisi na nga ito.
"Hindi ako narito para isumbat ulit ang mga iyon sa inyo lolo dahil alam kong tumatak na iyan sa isipan niyo. Ang nais ko lang ay malaman ang buong katotohanan tungkol sa anak ko."
Napansin niya ang marahas na pagpapakawala nito ng buntong hininga na matalim parin ang tingin sa kanya. Hindi niya iyon pinansin. Kahit na ilang besss siya nitong ipagtulakan ay hindi siya aalis hanggat wala siyang makuhang impormasyon tungkol sa nakaraan.
"Matigas din ang paninindigan mo, apo nga kita." Kuway narinig niyang mahinang saad nito na nagbigay sa kanya ng pag asang magsasalita ito.
Hindi siya umimik. Hinintay kung ano pa ang susunod nitong sasabihin.
"Wala akong ideya sa sinabi mo. At wala talaga akong alam na iba ang batang namatay noon." Sabi ng kanyang lolo na seryusong nakatingin sa kanya. "Kung hindi ka naniniwala ay wala na akong magagawa dyan dahil iyon lang ang masasabi ko. Nag utos lamang ako na kunin ang bata at dinala nga nila ito sa akin. Hindi ko na inalam kung ito ba talaga ang anak mo o hindi o pinalitan nila bago nila ito binigay sa akin."
"Sino, sino ang mga nakakaalam sa mga plano mong iyon, lolo?"
"Marami sa mga ministro. At ilan doon ay dalawa ang napatay mo. Ang isa sa napatay mo ay ang inutusan kong kumuha sa anak mo at siya mismo ang nagdala sa akin ng bata."
"Damn it." Naikuyom niya ang mga kamao.
"Hanggang dyan lang ang masasabi ko dahil wala akong ideya kung ano ang ginawa ng ministro na taliwas sa mga inutos ko."
Hindi agad siya nakasagot. Napatitig lamang siya sa kanyang lolo.
"Pero hindi ba't nakaganda nga ang ginawa nito dahil iba ang batang namatay at hindi ang anak mo?"
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
