GPS SIDE STORY VI: FORTY-THREE

4.5K 256 64
                                        

"Magandang hapon. Anong maipaglilingkod ko, your majesty?" Si Doctor Velasquez na humarap sa kanila na kadarating lamang sa opisina nito sa hospital dahil may tinapos daw itong operasyon. "Mr. Safar, how are you?" Baling naman ng doctor sa kanya.

Hindi umimik ang hari pero nasa mga mata ang talim ng tingin dahil sa itinawag ng doctor kay Ishan.

"I'm fine. Thank you, Dr. Velasquez."

"What brought you here? May maitutulong ba ako? Are you pregnant?" Magkakasunod na tanong nito pero sabay naman silang natigilan ng hari sa huli niyong sinabi.

"Dr. Velasquez." Bulalas na hindi siya makatingin dito ng deretso na nailihis pa ang dahilan kung bakit sila nasa hospital. "We are not here for that matter." Sagot niya dito ng makahuma sa pagkabigla.

"It's not bad." Ang hari na nagustuhan bigla ang sinabi ng doctor. "Why did you call him Mr. Safar if you thought he was pregnant with my child?" Seryusong tinig na dagdag ng hari.

"Your majesty, stop joking around." Si Ishan na sinita pa ang hari pero hindi naman ikinasama ng hari iyon bagkus nakangiti pa itong bumaling sa kanya.

"Hindi ako nagbibiro, habibi. Sinasabi ko lang ang totoo. At may ilang araw na din ng may nang..."

"I said stop, your majesty." Muli niyang pagpapatigil sa hari na sinamahan pa ng pagtakip ng kamay niya sa bibig nito. Pero agad niya din iyong binawi ng maramdaman na dinilahan ng hari ang palad niya.

Pakiramdam niya ay namula ang buo niyang mukha sa ginawa nito.

"Ahem." Si doctor Velasquez na kinukuha ang atensyon nilang dalawa. Sabay naman silang napatingin dito. "Maupo muna kayo, your majesty, Mr. Safar." Alok nito.

Naupo ang hari pero hindi siya tumabi dito.

"Shall we continue, and may I know what is the reason why you are here, Your Majesty."

"My Luna wants to know something from you, Dr. Velasquez."

"Your majesty, I am not your..."

"I don't mind that, Mr. Safar or should I call you Mr. Brahman? Just tell me what can I do for you."

"O-okay, Dr. Velasquez." Tumikhim pa siya bago itinuloy ang sasabihin. "6 years ago."

"Yes, what about 6 years ago?"

"When I gave birth, Dr. Velasquez. Do you have a video record of that while you operated on me?" Walang pasakalyeng tanong niya kay Doctor Velasquez. "Mayroon lamang sana akong makita at mapatunayan."

"That was long time ago, Mr. Safar. Pero masasabi ko nga na mayroong video record sa bawat operasyon na isinasagawa namin."

"Really, gusto ko iyong makita Dr. Velasquez, please." Nagsusumamong paghingi niya dito ng pahintulot. Nakamasid lamang ang hari sa kanya. Hindi nito pinakialaman kung ano ang gustong malaman. Tahimik lang na naghihintay kung ano ang nais niyang makita sa video na hinihingi niya kay Dr. Velasquez.

"Sure, Mr. Safar." Sagot ni Dr. Velasquez na napatingin pa sa hari na matalim na naman ang tingin sa kanya. "Mr. Brahman, I should say." Pagtatama ng doctor dahil alam niyang iyon ang dahilan ng ikinatalim ng tingin ng hari.

"Thank you."

"Maghintay lamang kayo dito at hahanapin ko sa file room ang record na iyon. Excuse me your majesty." Pagpapaalam nito bago lumabas ng opisina nito. "Nurse Donna, please serve them some tea." Narinig pa nilang utos nito sa nurse na naghihintay lang sa labas.

"Yes, doctor."

Naiwan silang dalawa sa loob ng opisina ng doctor.

"Tell me, anong gusto mong makita sa video record na iyon?" Tanong ng hari sa kanya ng makalabas na si Dr. Velasquez.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon