"M-maupo ka m-muna your majesty. Ahh. S-sandali. D-dito. Ugh." Hinihingal si Ishan habang inaakay ang hari na makapasok sa loob ng tinitirahan niya.
Hindi niya akalain na mabigat pala ang hari kaya nahirapan siya sa pag akay dito lalo na at nakaakbay ito na halos hindi na mabalance ang katawan.
"Ayyyy." Napahiyaw pa siya pero hindi naman kalakasan. Natumba sila pareho sa sofa. "Hooo." Nagpakawala siya ng malalim na paghinga dahil para siyang nakipaghabulan sa pagod sa pag akay niya sa Hari. "Ugh... y-your majesty. Y-your heavy... y'you know." Aniya na may kasamang pagtulak sa katawan ng hari na nakadagan sa kanya.
Napagtagumpayan naman niyang maitulak ito at dali dali siyang tumayo para makahiga ito ng maayos sa sofa.
"Hoo" pagpapakawala na naman niya ng malalim na paghinga saka pinunasan ang namuong pawis sa nuo niya. "Sandali lang, your majesty. Ikukuha lang kita ng malamig na tubig."
Kumuha siya ng tubig para dito. "Bumangon ka na muna dyan, your majesty. Uminom ka na muna ng malamig na tubig. Ihahanda ko ang malamig na pampaligo niyo para mahimasmasan sa pagkahilo niyo." Mahaba niyang saad. Hindi na niya hinintay na sumagot ito.
Dumeretso siya sa kanyang silid saka kumuha ng kanyang damit. At habang pupunuin niya ang bathtub para dito ay magsho'shower na din siya.
Mabilisan lamang ang ginawa niyang pagshower. Inayos ang pampaligo ng hari bago lumabas ng banyo.
"Your majesty, naihanda ko na ang pampaligo mo." Aniya dito.
Tumango ito saka tumayo. Bahagya pang gumiwang ang tayo nito kaya mabilis siyang umalalay dito.
"Kaya mo ba, your majesty?"
"Yes, thank you." Sagot nito saka tumayo ng maayos. Pumasok na nga ito ng banyo.
Habang naghihintay siya sa hari ay tumingin naman siya ng pwede nitong maisuot sa mga damit niya. Maluluwang naman ang mga t-shirt na pambahay niya kaya kakasya iyon maliban na lang sa mga short niya dahil maikli at masikip ang mga iyon.
Ipinainit na din niya ang pagkaing ibinalot sa kanya ni Fan na pwede nilang pagsaluhan ng hari kung gusto man nitong kumain.
"Y-your majesty. Ilalagay ko na lang dito sa labas ang pamalit mong damit." Malakas na sabi niya sa hari matapos niya itong katukin sa banyo.
Hindi niya narinig na sumagot ito pero panigurado naman niyang narinig nito ang sinabi niya kaya iniwan na lang niya ang damit sa labas ng banyo.
Kalahating oras na ang lumilipas pero hindi parin lumalabas ang hari sa banyo kaya nakaramdam siya ng kaba na baka nakatulog ito at malunod ang sarili sa bathtub.
Muli niya itong kinatok. Nang wala siyang marinig na sagot mula dito ay napilitan siyang buksan ang banyo para tignan nga ito kung ano na ang nangyari dito.
"Your majesty." Tawag niya dito. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang hindi ito nalunod sa bathtub. Hindi lang niya sigurado kung tulog ba ito o nakapikit lang.
Ayaw man sana niya itong istorbohin ay napilitan siyang muling imikin ito.
"Your majesty." Nilapitan niya ito pero huli na ng mapagtantong mali pala ang paglapit niya dito.
Nanlaki ang mga mata niyang napatingin siya sa ilalim ng malinaw na tubig. Napalunok siya sa nakita. Gusto man sana niyang alisin ang paningin niya doon ay pakiramdam niya ay may humahatak sa kanyang pagmasdan lamang iyon.
"Hmmm, are you done staring?" Napakurap siya na halos mapatalon sa kinatatayuan niya na tumingin sa hari.
"Y-your majesty." Nahihiyang tumalikod pa siya dito ng magtama ang paningin nila. "N-not yet. N-no I mean yes... ah n-no. I'm not here to peek, your majesty. I'm just worried because you haven't come out yet." Kanda utal na niyang sagot dito dahil sa gulat. Pakiramdam niya ay nangapal ang pisngi niya sa biglang pag iinit na naramdaman niya na nahiya sa pagtitig niya sa kaselanan nito.
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
