Tahimik sila habang kumakain. Simula kaninang nagsumbatan sina Ishan at Zarim ay wala ng sino man sa kanila ang umimik para kausapin ang isa't isa.
Tanging ang tunog ng kubyertos sa pinggan nila ang ingay na bumalot sa kanila sa malawak na hapag kainan.
"Anong balak niyo ngayon? Babalik na ba kayo sa kaharian?" Karrim na nagbukas ng usapan at bumasak ng katahimikan.
Halos sabay silang napatingin sa isa't isa na siya ang unang nagbawi ng tingin dahil sa lamig ng tingin nito sa kanya.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "Wala kaming babalikan doon." Siya ang sumagot. "Babalik kami sa inuupahan kong bahay at doon kami mamamalagi ng anak ko."
"He is my son, Ishan. At sa kaharian siya nababagay. Huwag mong ipagkait sa anak natin ang buhay na pwede niyang maranasan sa kaharian." Si Zarim na kumontra sa sinabi niya. Nasa tuno parin nito ang bigat sa bawat katagang binibitawan. "At sa kaharian ay mas maproprotektahan ko siya. Kaysa ang manatili kayo sa lintik na bahay na iyon." May gigil na dagdag nito na padabog na binitawan ang hawak na kubyertos at walang paalam na umalis sa hapag kainan.
"My bad." Si Karrim na nagkibit balikat pa na tila mali pa ang binuksang usapan.
"Tapos na po akong kumain." Si Idris na napatingin naman sa kanya.
"Good." Sagot niya dito. "Salamat sa pagkain." Sabi niya na napatingin naman kina Fan at Karrim bago nagpaalam na aalis na sa hapag kainan.
"Tara na, Idris." Aya niya sa kanyang anak. Hawak niya ang kamay nito na lumabas sa hapag. "Gusto mo bang makita ang labas ng palasyo?" Tanong niya dito na agad namang sumagot ng pagtango.
Hawak kamay silang lumabas na agad tinungo ang malawak na hardin ng palasyo kung saan siya naglalagi noong ipinagbubuntis pa lamang niya ito.
"Dito ako naglalagi noon habang nasa loob ka pa lang ng katawan ko. Habang ang daddy Zarim mo ay nasa kaharian at inaayos ang problema doon para sayo." Pagkukwento niya dito.
"Saan ang kaharian, daddy?" Tanong nito.
Napangiti siyang napatingin dito habang hawak parin niya ang kamay nito. Sa ikalawang araw na kasama nila ito ay nakikita niyang hindi na ito umiiwas pa at nasasanay na sa bagong paligid na nakikita.
"Malayo dito, Idris. At sa kahariang iyon ay ang daddy Zarim mo ang hari. Nandoon ang palasyo ng daddy Zarim mo. At ikaw ang kanyang prinsipe.
"Prinsipe?"
"Yes, baby. Anak ka ng hari kaya isa kang prinsipe. At gusto ng daddy Zarim mo na bumalik doon kasama ka."
"Ako? Kung babalik kami doon hindi ka ba sasama sa amin, daddy?"
Natahimik siya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa anak nila na hindi siya pwedeng bumalik sa kaharian lalo na at wala na siyang puwang sa palasyo dahil may fiance parin itong naghihintay doon.
"Kung hindi ka sasama, hindi din ako sasama, daddy." Sabi pa nito kaya mas napatitig siya dito.
Niyuko niya ito at paluhod na niyakap.
"Mahal na mahal ka ng daddy, Idris. At ayaw ko ding mawalay kang muli sa akin." Sabi niya dito.
Tinugon ng anak niya ang mga yakap niya kaya may namuo na namang luha sa kanyang mga mata dahil sa kagalakang nasasanay na ang anak nila sa kanya.
"Daddy, gusto kung ihuli ka ng kuneho." Muli ay sabi nito kaya nakalas niya ang yakap dito.
Magaang ipinatong ang kamay sa ibabaw ng ulo nito saka ngumiti. "Gusto mo bang lumabas? Sa likod ng mataas na bakod na iyan ay pwede tayong manghuli ng mga kuneho." Sagot niya dito.
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
