Hindi siya makatingin kay Zarim matapos ang lahat ng aminan sa pagitan nila.
At ngayon pa talaga siya nakaramdam ng hiya kung kailan malinaw na ang lahat sa kanila.
"Ano ba?" Pagsita niya dito pero hindi naman siya naiinis kundi sadya lamang na hindi parin siya makapaniwala.
"Hmmm." Si Zarim na inihilig pa talaga ang mukha sa dibdib niya habang pareho silang nakahiga sa maluwang na kama matapos muling pagsaluhan ang sarap sa pag iisa ng katawan nila.
Tanging ang mabalbong kumot na kulay abo ang bumabalot sa katawan nila.
Sa ilalim nun ay magkadikit ang mga katawan nila na walang saplot kaya ramdam nila ang init ng sumisingaw sa kanilang katawan.
"Ang bango talaga ng habibi ko." At pinanggigilan pa ang pagyakap sa kanya. "I love you habibi." Bulong pa nito na tumingala sa kanya. Seryuso na kumikinang ang malaginto nitong mga mata.
Napatitig siya sa mga iyon. Napakagandang pagmasdan na paulit ulit niya iyong nakita kaninang inaangkin siya nito. Na kapag na e-excite ito ay kumikinang talaga ang kulay ginto nitong mata.
"I love you too." Mahinang boses na pagtugon niya dito saka ito niyuko at dinampian ng halik sa nuo kung saan umabot ang labi niya.
"Masaya ako dahil sa wakas ay akin ka na." Sabi nito na muling niyakap siya't inihilig ang ulo sa balikat niya.
Tumugon siya ng yakap dito.
Kahit siya man ay masayang masaya na kahit sa una ay hindi maganda ang kanilang simula at hiniling niya minsan dito ang kanyang kalayaan para magpakalayo pero sa pagbalik niya ay muli silang pinagtagpo at tuluyang nahulog ang loob niya dito.
"Me too." Sabi niya na halos siya lang ang nakarinig. Ipinikit ang mga mata na humiling pa sana sa pagmulat ng kanyang mata ay hindi lamang iyon panaginip.
"Hmmm." Naging payapa ang paghinga nila pareho. Nakadagan man sa kanya ang hari at nakaunan sa dibdib niya ay pareho silang nakatulog na yakap ang bawat isa.
Nagpasya silang pareho na bumalik ng Tierra De Lobo para kunin ang anak nila at dalhin pabalik ng kaharian.
Hindi naman umuwi ang sinakyan niyang Helicopter kahapon kaya iyon din ang sinakyan nilang pabalik ng Tierra na inabot ng halos tatlong oras sa himpapawid bago sila nakalapag sa paliparan sa palasyo ni Karrim.
Sa paglapag nila ay nakahintay na si Karrim sa kanila.
Nakangisi pa ito na nakatingin sa kanila na magkahawak kamay na naglakad palapit sa kanila. Pero nagulat siya ng bitawan siya at bigla na lang sinuntok ni Zarim si Karrim na hindi naiwasan ng isa dahil hindi iyon napaghandan.
"Ugh! Fuck you, Zarim." Gigil na sabi ni Karrim na pinahiran ang pisngi kung saan dumapo ang kamao ni Zarim. Naikuyom nito ang kamao na tila gustong gumanti dito pero inawat na ito ng kanyang asawa.
Muli naman siya nitong hinawakan sa kamay at muling naglakad. Ng matapat sila kay Karrim ay may sinabi pa si Zarim dito.
"Kabayaran iyan ng panlilinlang mo sa akin." Sabi nito bago ito nilagpasan.
"Damn you, Zarim. I will fucking kill you. Hindi ba sapat na tulong iyon dahil nagkabalikan kayo ng asawa mo. Ugh. Damn it. Tapos ito lang ang igagati mo sa akin." Gigil na malakas na sumbat ni Karrim habang pasunod sa kanila.
"Come back, asshole. Huwag mo akong talikuran. Wala kang utang na loob. Kung hindi ko iyon ginawa malamang hindi pa kayo nagkasundo ng asawa mo. Hey! Bumalik ka." Patuloy ito sa panunumbat sa kanya.
"Yeah! And thank you for your fucking help by the way. That helped me a lot." Saka nito itinaas ang kamay na may fuck sign na binalewala ang pagsigaw ni Karrim dito.
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
