Patakbo siyang pumasok sa loob ng palasyo matapos maiparada ni Zarim ang sinakyan nila. Hindi na siya nagsayang ng oras pa para makita na ang anak niya.
Natigil siya mismo sa malaking pintuan ang palasyo na bumungad sa kanya ang anak niya na hawak ng mga tauhan ni Karrim na tila nagpupumiglas na makawala sa kanila.
Napatitig siya dito na agad namuo ang kanyang luha. Nanginginig na buo niyang katawan habang mabagal ng humahakbang palapit sa anak niya.
Namuo ang kanyang luha at nagsimulang malaglag ang mga iyon sa kanyang mga mata. Tumigil siya sa harapan nito. Tumigil naman ang anak niya sa pagwawala na napatingin sa kanya.
Muling nagtama ang mga paningin nila. Nakita na naman niya ang kumikislap na kulay ginto nitong mata.
"Idris, b-baby." Mahinang sambit niya sa ipinangalan niya mismo sa anak niya. Sa kanyang pagkakatayo ay unti unti siyang napaluhod sa harapan nito.
Umangat ang nanginginig niyang kamay at magaang humaplos iyon sa pisngi ng anak niya.
Mas nanginig ang mga daliri niya na nasa pisngi nito. Ang mga labi niyang may gustong sabihin ay nanginginig din dahil sa hindi mapigilang pag-iyak.
Iyak ng kagalakan na sa haba ng panahong inakala niyang patay na ang anak niya ay nasa harapan niya't nakatayo at buhay na buhay ito.
"Idris, baby. I'm your dad." Muli ay sabi niya dito sa mahina at garalgal niyang tinig.
Lumapit naman sa kanya si Zarim kaya napatingala ang anak nila dito. Na sa pagkakita ng anak nila kay Zarim ay nangitim ang kulay ng mga mata nito na kanina lang ay kumikinang na kulay ginto. Walang kakinang kinang ang mga iyon.
Kunot ang nuo ni Zarim ng makita ang anak nila. Hindi talaga niya maramdaman kung ano ito dahil kay hina ng nararamdaman nitong aura dito kung isa man itong alpha.
"Idris..." si Ishan na muling kinukuha ang pansin ng anak nila. Pero ng balingan siya nito ay muli itong nagwala.
Kung hindi naging listo ang hari ay baka nakalmot siya nito sa mukha. Mabilis na hinawakan ng hari ang kamay ng anak nila na may natural na matutulis na kuko. Marurumi pa ang mga iyon na may bahid parin ng natuyong mga dugo.
"Kanina pa siya nagwawala. Hindi siya tumitigil kaya hawak parin siya ng mga tauhan ko." Si Karrim na nagsalita na nakamasid lang kaninang dumating sila.
Nagpakawala ng marahas na paghinga si Zarim na pilit pinapatayo si Ishan sa harapan ng anak nila pero ayaw niyang tumayo bagkus yumakap pa siya sa anak nila.
Sa una ay nagpupumiglas ito na makawala sa pagyakap niya.
"It's okay, baby. It's me, your dad. Dad won't hurt you so please, calm down, Idris." Pagpapakalma niya dito na paulit ulit niyang sinasabi na kumalma ito. "Calm down, baby. Daddy is here." Sabi niya dito habang patuloy sa pagtulo ng kanyang luha. Sinubukan din niyang kalmahin ito ng kanyang pheromones at iparamdam dito na hindi niya ito masasaktan.
Nasasaktan siya na makita kong ano ang kalagayan ng anak niya. Kung ano ba ang mga pinagdaanan nito sa anim na taon sa murang edad nito.
Nakamasid na lang ulit si Zarim sa kanila at naging listo parin ang pakiramdam sakali mang muling manakit ang anak nila.
Ilang minuto din na nagpupumiglas ang anak nila bago ito tuluyang tumigil at hinayaan siyang yakapin ito.
Habang yakap niya ang kanyang anak ay may tumulo na ding mga luha sa mga mata nito. Ang itim na itim na mata nito ay napalitan na iyon ng natural na kulay ng mata nila. Pero nasa mga mata ng anak nila ang kalungkutan.
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
