GPS SIDE STORY VI: FORTY-ONE

4.7K 267 44
                                        

"Let's go." Aya sa kanya ng hari matapos ang gulo sa kainang pinasukan nila.

Hindi na din sila kumain pa o kinuha ang pagkaing ipinabalot ng hari kanina.

"Pero.."

"Hahanap na lang tayo ng ibang makakainan, habibi. Baka hindi natin alam ay may inihalo palang lason ang pagkain natin."

Napatango siya. Tama nga din naman ang sinabi nito. Baka nga may nag utos na sa omegang naghanda ng pagkain nila na lagyan iyon ng lason.

Hindi pa naman sila umalis. Naglakad lakad pa sila para maghanap ng ibang makakainan.

"There." Sabi ng hari sabay turo ng kainan sa hindi kalayuan. "Let's go." Nagulat pa siya ng hawakan siya nito sa kamay sabay hila sa kanya.

Nais pa sana niyang magreklamo at sabihin dito na bitawan siya at hindi kailangang hawakan sa kamay ay hindi na niya nagawa dahil nakaramdam na din naman siya ng gutom dahil sa hinarap nilang away kanina.

Habang binabagtas nila ang kalye papunta sa kainan ay may isang batang lalaki na bigla na lang lumabas sa malalagong mga halaman sa gilid ng kalsada. Sabay pa silang tumigil sa paglalakad at napatingin sa bata.

May hawak na tig-isang buhay na kuneho sa mga kamay ng bata.

Mahaba ang kulot na buhok ng bata na halatang hindi nasusuklay. Wala din itong sapin sa paa. Ang suot na damit na kulay kalawang na may mga butas pa kahit na ang short nito.

Pero hindi iyon ang nakatawag ng pansin nilang dalawa kundi ang nag niningning na kulay ginto nitong mga mata. At ng magtama ang mga mata niya sa mata ng bata ay may kung anong kaba ang biglang nabuhay sa kanyang puso.

"You are not an alpha, or even a beta. I don't see you being an Omega either." Sabi ng hari na pinag aralan din ang ayos ng bata. "What are you?" Tanong pa nito na titig na titig sa batang walang kaimik imik na sa kanya nakatingin.

Wala paring imik ang bata na binawi ang tingin kay Ishan. Binalingan ng bata ang mga hawak na kuneho na nagpupumiglas sa pagkakahawak nito.

"Huh." Nagulat pa si Ishan ng ilipat ang isa pang kuneho sa isang kamay nito bago nito walang awang basta na lang dinukot ang puso ng dalawang kuneho.

Sa paningin ng bata ay tila wala sila dahil matapos nitong pinatay ang mga kuneho ay tumalikod na ito at patakbong lumayo sa kanila.

Kunot ang nuo ng hari na hindi nagustuhan ang pangbabalewala ng bata sa sinabi niya habang si Ishan ay tigagal sa pagkagulat dahil nakita niya kung paano nandilim ang mga mata ng bata bago pinatay ng walang awa ang mga kuneho.

"His eyes were full of darkness." Turan ng hari na nakatingin sa tinakbuhan ng bata bago siya nito binalingan. "Are you okay?"

"Y-yes, your majesty. I'm fine. H-hindi lang ako makapaniwala sa nasaksihan ko." Totoo sa loob niyang sagot sa hari.

Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Ang kulay ginto na kumikinang sa mga mata ng bata na nakita niya kanina ay napalitan iyon ng itim na itim na wala siyang naaninag na kislap sa mga iyon.

"He's just ordinary." Sabi ng hari. "C'mon, I'm hungry." Aya muli sa kanya ng hari.

Nagpahila na lang siya ulit dito hanggang sa marating nila ang kainan. Nakalimutan na ang batang nakita kanina at natuon na lang ang isip niya sa pagkalam ng sikumura niya dahil sa gutom.






"Ako na ang magmamaneho." Aniya sa hari matapos silang kumain at nagpababa ng pagkain "Huwag mo ng ipilit, your majesty. Baka mawala ulit tayo." Dagdag pa ni Ishan na nauna ng sumakay sa may driver seat at hindi na naisip na pagbuksan ng pinto ang hari.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon