Status: COMPLETED
GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18]
If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk
ISHAN AND ZARIM BRAHMAN
Started Date: June 17, 2023
End Date: Augost 10, 2023
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ººº
"Is he the omega rejected by his Alpha?" Ilan lamang iyon sa narinig niya habang abala siya sa pagtakbo sa treadmill habang nasa Gym siya.
Halos araw araw naman niya iyong naririnig dahil sa kakaiba niyang kundisyon. Simula ng tinanggihan na siya ng hari ay hindi na normal ang pagtanggap niya sa ibang Alpha na nagbibigay hiwatig na gusto siya. Kaya naging bulong bulungan na sa lahat na hindi siya normal na omega.
"Who cares." Sa loob-loob niya na ipinagpatuloy lamang ang pagtakbo sa treadmill ng ilan pang minuto.
Labing limang minuto ang iginugol niya sa pagtakbo bago siya tumigil.
Sa pagtigil niya ay tagaktak na ng pawis ang buong katawan niya. Basa ang damit at masaganang umaagos ang pawis sa mukha niya pababa ng leeg niya.
Nagpalabas din siya ng kaunting pheromones para mas lalong mainis sa kanya ang mga omegang tanging ginawa ay mag tsismisan kaysa ang mag ehersisyo. Kung hindi ang mag tsimisan ay tanging pagtitig lang naman sa mga Alpha ang ginagawa nila.
"Fuck. Is he insane?" Sabi pa ng isa ng maramdaman ang pheromones niyang mabilis na kumalat sa loob ng Gym na naging dahilan para tumigil ang mga Alpha sa pag eehersisyo at napatingin sa kanya.
Lihim siyang napangiti. Hindi man siya naapektuhan sa pheromones ng Alpha ay malakas naman ang epekto ng pheromones niya sa mga ito kaya normal parin iyon para sa kanya.
"Useless." Bubulong bulong pa siya habang inaayos ang mga gamit niya ng maramdaman niyang nagpalabas din ng pheromones ang mga Omegang tsismosa at hinihikayat ang mga Alpha na nakapaligid sa kanila. "Mas naakit parin sila sa akin kaysa sa inyo." Sa loob loob niya.
Ayaw naman niyang patulan ang mga ito pero naiinis na din siya minsan dahil sa palagi nilang parinig sa kanya.
"Paalis ka na ba, Ishan?" Tanong ng Gym owner sa kanya. Isa din itong Alpha pero hindi nagtake advantage sa kanya kaya tumagal siya sa Gym nito. Sa mga unang Gym na napuntahan niya noon ay hindi itinago ang kabastusan at talagang ginagamitan pa siya ng Pheromones para maakit lang siya sa mga ito. Kaya naman palagi siyang nagpalipat lipat ng Gym hanggang sa matagpuan niya ang Gym nito.
"Oo." Tipid niyang sagot dito.
"Hindi ka na ba babalik?" Tanong pa nito na tinulungan sa pag aayos ng gamit niya mula sa locker.
"Hindi na siguro. Nais kung bumalik sa dati kong trabaho noon. Baka sakaling makapasok ako ulit."
"Sigurado ka ba dyan?" Tanong pa nito. Naging close kasi niya ito at pahapyaw na naikwento niya ang ilan sa mga nangyari sa nakaraan niya tulad na lang ng trabaho niya sa Iron Wolf ni Karrim.
"Anim na taon na din ang nakakalipas at tuluyan ng naghilom ang mga iyon." Nakangiti niyang sagot dito.