Chapter 22

333 8 0
                                    

~Summer's POV~

1 Hour na lang matatapos na ang work ko, nasabi ko naman na kila Tita at Ate star na may trabaho ako tuwing gabi. Tsaka si Ate Star nag-suggest na mag-trabaho raw ako.

Si Autumn parang sira, alam niyo ba ginawa? Syempre hindi pero sinabi ba naman na magaling ako kumanta kay Tita Panty kaya ang ending... Kakanta ako!

Ang usapan namin ni Tita Panty. Kakanta ako simula 9 ng gabi hanggang sa mag-sarado kami.

"Summer, pwede ikaw muna kumuha ng order sa table 8? Nac-cr na kasi ako eh"

"Ah! Oh sige."

"Hi, goodevening sir! May I take your order?"

"Uh! One La---"

"Rain!"

"U-uy!"

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya saakin.

Sasagutin ko sana ng 'Kung di mo na hahalata eh ako lang naman ang kumukuha ng order mo' kaso wag na customer pa din siya hahaha.

"Nagtra-trabaho ka pala dito. Haha! Bakit ngayon lang kita nakita dito?" -Siya.

"Kakasimula ko lang kanina eh. Haha! Ay nga pala anong order mo? May gagawin pa pala ako."

"Lasagna lang and mocha frappe" sabi niya saakin tsaka ngumiti.

"One lasagna and One mocha frappe coming up!"

Pagka-abot ko kay Rain nung inorder niya nginitian ko na lang siya tapos dumerecho na ako sa mini stage nitong restaurant.

"*ehem* Hi everyone! Goodevening. My name is Summer. Ni-request lang na kumanta daw ako, so here I am infront of all of you. Hope you like it! And by the way, dedicate ko 'tong kanta ko kay Rain sana 'wag na siyang malungkot." nakita ko naman na ngumiti siya saakin.

Ang gaan ng pakiramdam ko, ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang lalabas na siya sa sobrang bilis. Yung tiyan ko feeling ko parang may paru-paro na mga lumilipad.

Ngiti pa lang yun ah. Ano ba talaga tong nararamdaman ko kay Rain? Simpleng paghanga lang ba talaga?

~

I'm His Past, He's My Future (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon