Chapter 57

277 9 2
                                    

~Summer's POV~

"Uhm! H-hi"

"Nabasa mo na yung letter?"

"O-oo!"

"Lahat ng sinabi ko dun totoo. Walang halong biro"

"Alam ko...Rain"

"Bakit?"

"Alam ko weird 'tong gagawin ko. Pero gusto ko matanggal lahat ng doubts mo" kinuha ko yung maliit na pulang box na katabi ng laptop ko.

"R-rain? Will you marry me?"

Oo! Ako ang nag-propose. Gusto ko kasi matanggal lahat ng mga pagdududa ni Rain.

"Ikaw talaga nag-propose? Yes Summer"

"Thank you p-puso ko"

"After 6 months ako naman ang magtatanong ng ganyan sa'yo"

"S-sure?" Tumango naman siya.

Nag-usap kami hanggang madaling araw (philippine time) Hindi niya napansin yung oras. Ako kasi kahit inaantok na ako pinilit ko na 'wag makatulog. Mga 3am na siguro kami tumigil sa kaka-skype.
--*

"Okay na kami ni Rain"

"Talaga? That's good to hear. Wala 'kang pasok ngayon di'ba? Saan mo gusto pumunta?"

"Pero di'ba may klase ka?"

"Pwedeng-pwede ako umabsent. Ako kaya may ari ng school."

"Hindi pwede. Pumasok ka ngayon. Hintayin kita rito"

"Okay! Kung yan gusto mo"
.
.
.
.
.
.
.
Tinuloy ko na yung ginagawa ko. Isang jar siya. Jar na puno ng maliliit na blue na papel. Nakalagay doon ang dahilan kung bakit ko mahal si Rain. May isang red na papel akong nilagay. Nakasulat naman sa red na papel na yun ang isang paborito 'kong kanta.

Oh ang isang katulad mo
Ay 'di na dapat 'pang pakawalan
Alam mo ba 'pag naging tayo
Hinding-hindi na kita bibitawan

Bago ko isarado yung jar. Nilagay ko 'ron ang singsing na ginamit ko nung nag-propose ako sa kanya.

'Sana magustuhan niya 'to'

"Summmmeeer"

Nagulat ako ng biglang pumasok sa kwarto ko si Winter at Autumn.

"Kailangan sumigaw?"

"Kasi------ Kyaaaaaah! Si Autumn at Cloud na!" -Winter na matching tili-tili pa.

"Seriously?" Tanong kom

"Yep! Boset 'tong si Winter. Skandalosa eh. Prinsesa ka ba talaga?"

"Tse! Kinikilig kasi ako. Kyaaaaa! Finally! May lovelife ka naaaa"

"Anyway, nevermind Winter. Pumunta lang kami para makipagchikahan"
--*

(A/N) Title nung song "TULAD MO"

#TrueLoveWaits
#IHPHMFChapter57

I'm His Past, He's My Future (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon