Chapter 19

367 8 0
                                    

(A/N) sorry sobrang busy kasi kaya ngayon lang nag UD T^T

~Rain's POV~

Mitchielle Alcantara Santos
Born: March 9,1984
Died: August 16, 2015

Kanina pa nailibing si mama. Wala na rin naiwan bisita. Yung tatay ko? hindi yun pumunta. Tinanong ko sa secretary niya kung anong schedule niya, ngayong araw wala naman daw kaya panigurado nangbabae yun!

Napatingin ako dun sa babaeng nasa left side ko. Sampung hakbang siguro ang layo nya saakin. Gayunpaman rinig na rinig ang pag-iyak at paghikbi niya.

Si Summer ba 'to? Summer ba ang pangalan niya? Ah--- basta si Clumsy. Nalimutan ko na naman pangalan niya. Lumapit ako sa kanya pero 'di niya ata napansin ang paglapit ko.

"Ma! Ang sama ni papa. Tama pala si ate star *sob* dapat kasi ma hindi mo na hi-hinabol yun eh. Edi sana...sana hindi ka namatay! A-alam mo ba ma *sob* ipapakasal niya daw ako sa anak ng bussiness partner niya *sob* bullsh*t 'diba? Sorry ma *sob* nagmura ako! Na-nakakainis kasi eh. D-dapat hindi na kami nagkita at nag-usap *sob* " -sabi niya habang hinahaplos ang picture ng mama niya.

"Nagkita na kayo ng papa mo?"

Nagulat ko ata siya sa tanong ko at sa paglapit ko.

"R-rain!" Sabi niya tapos tumayo siya at niyakap ako.

Ewan ko! Pero pakiramdam ko gusto ko siya protektahan. Gusto ko siya patahanin. B-bakit? Siguro, ayoko lang talaga ng may umiiyak. Oo, siguro nga..

~

Inaya niya ako dun sa waiting shed malapit sa sementeryo. Tumahan na rin siya, kinuwento niya na rin saakin ang nangyari kinwento ko rin sa kanya na wala na si mama.

"C-condolence, Rain! Hindi man lang ako nakapunta sainyo! S-sorry."

"Okay lang. May problema ka rin naman. Ayos ka na ba?"
Tumango naman siya.

Ilang minuto rin kami natahimik. Walang nagbalak magsalita tapos biglang bumuhos ang umulan.

"Rain rain go away come again another day little children wants to play rain rain go away"

Huh? Kumakanta siya nang pang-bata?

"Baa baa black sheep have you any wool? Yes sir *sob* yes sir *sob* three bags full one for the master one for the da---"

Napahinto siya sa pagkanta napansin niya kasi na nakatingin ako sa kanya na may halong 'bakit-ka-kumakanta-ng-pangbata-na-kanta-look'

"Nagtataka ka ba kung bakit ako kumakanta ng pang-bata?"

Tumango naman ako.

"Pag may problema kasi ako o kaya malungkot ako kumakanta ako ng mga nursery rhymes, kaya malalaman mo kaagad 'pag may problema ako"

"A-ah naiintindihan ko, papasok ka na ba bukas?" Tanong ko sa kanya.

"Yup! Dalawang araw na akong absent eh. Ikaw ba?"

"H-hindi pa! Pasabi naman sa mga prof. natin na next week na ako makakapasok! Hindi pa ako nakakamove on sa nangyari kay mommy eh!" Sagot ko.

"S-sige sasabihin ko!"

"Nagugutom ka ba? Tara kain muna tayo! Tapos uwi na." Aya ko sa kanya.

"Hmm. Si-sige!

I'm His Past, He's My Future (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon