~Summer's POV~
Kakatapos lang namin kumain, umaga na at napag-pasyahan ng group namin na magstart na maglibot para dun sa vacation project namin.
Sabi naman ng prof namin 'pag natapos agad eh pwede na kami umuwi yung iba kasi naming classmate eh nahuli kaya yung iba may dala na mga kotse.
"Summer kayo na lang ni Rain ah!" Sabi nung leader namin, tinignan ko muna si Ulan, tumango lang siya.
"Ah! O-oh sige" sagot ko.
Naghiwalay-hiwalay na kami. By partners kasi ang ginawa namin para mabilis namin matapos, na-asign saamin ni Rain yung mga foods na gawang Baguio!
Ewan ko nga bakit kasama yun eh! Hindi naman kami HRM o Culinary Students. Pero baka kailangan talaga siya isama sa project namin?
But anyway, ginabi na kami ni Rain at alam niyo pinaka-masaklap? Nawawala kami T_______T
"SABI MO NATANDAAN MO KUNG SAAN TAYO HULING NAGPUNTA AT SABI MO NATANDAAN MO YUNG DAAN PABALIK?" Sigaw ko sa kanya nakakainis kasi siya eh *pout*
"PWEDE BA? HINDI MAKAKATULONG YANG PAGSIGAW MO! EH SA ANDAMING PASIKOT-SIKOT AT PARE-PAREHO LANG YUNG DAAN DITO. ANONG MAGAGAWA NATIN HA?!"
Luh? Kita mo 'to. 'Wag daw sumigaw kasi wala daw maitu-tulong pero siya sumisigaw din.
Itong lugar kasi na 'to kung saan kami nakatayo parang bukiran pero wala kaming nakikitang mga bahay! Dahil sobrang dilim. Nandito lang kami sa punong malaki, hindi ko alam kung puno ng acacia o narra.
Ilang minuto na rin kaming tahimik, siguro parehas na kaming pagod at wala din talaga maidudulot na maganda 'pag nagsisihan kami.
"Bakit hindi ka na nagka-girlfriend pagkatapos ni Faizah?" Tanong ko sa kanya.
"Natakot na ako magmahal!" Sagot niya.
Wow! Kung sabagay NBSB ako, wala akong karanasan sa mga ganyan bagay, kung baga, inosente ako sa LOVE!
"Ano ba feeling na magka-girlfriend o boyfriend?!" Tanong ko uli sa kanya.
"Bakit ba andami mong tanong? Pero masarap. Kasi alam mo na kahit anong mangyari mahal ka niya, yung pagmamahal na kapantay ng pagmamahal ng isang magulang!"
"Laking hugot nun ah? Joke! Pero alam mo may aaminin ako sayo! Crush kita HAHAHA! Alam ko sanay ka na sa mga babaeng umaamin sayo! Hindi ko naman itatanggi may itsura ka naman... tamad ka lang mag-aral. Ewan basta alam ko may gusto ako sayo."
O_________O
1.
2..
3...
4....
5.....Nasabi ko ba yun? First time ko umamin ng ganun O___O Nakakahiya ka talaga Summer kahit kelan >_____<
"Haha. May hidden desire ka pala saakin? Ayos lang yun!" Sabi niya
Ang saklap naman, wala lang sa kanya ang pag-amin ko? Ayos lang daw? Eh kasi sanay na siya -__-
"Alam mo hindi pa ako nagkaka-boyfriend ni wala nga akong first kiss, first hug, first date eh! Pero alam mo gusto ko maging tayo haha! Maranasan ko man lang. Do I look desperate? Aish! Kung ano-ano na talaga nasasabi ko!"
"Ahaha! Hindi naman. Ang ibig sabihin ako first crush mo?!" Tanong niya saakin.
"O-oo! Wala kasi akong pake sa crush crush o sa love love na yan dati, pero kasi kakaiba ka. Napapanaginipan kita, tulad kagabi napanaginipan na naman kita. Pero yung panaginip na yun nasa madilim daw tayong lugar at kita mo andito tayo ngayon!"
Magsasalita pa sana siya ng...
"Haha! Balewalain mo na lang yung sinabi ko kamonggihan ko lang to. Pero pwede manligaw? Hahahaha! Ang desperada pakinggan.. Pero wala naman masama 'diba? Kasi puro yung mga lalaki ang nanliligaw eh. Atleast kakaiba ako 'diba? 'Pag nakauwi na tayo sa Manila sisimulan na kitang ligawan hahahaha!"
Kahit saglit pa lang kami nagkakasama ni Rain pero sa tuwing kasama ko sya ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
I'm His Past, He's My Future (2015)
Teen FictionCHARACTERS RYU HYE JU- Summer Aphrodite Lee PARK JI HO- Zeus Rain Santos PARK TAE JUN- Aelous Cloud Ramos PARK HYUNG SEOK-Thunder Hades Kim PARK HYO JIN-Athena Autumn Park PARK JI HYUN-Winter Hera Sy PARK JI YEON-Alicia Faizah Gomez V-Law Marco YOON...