Chapter 56

282 9 3
                                    

~Law's POV~

Hinatid ko na pauwi si Summer. Babalik ako ng school dahil may klase pa ako.

Sa parking lot,sabay kami nag-park ni Rain. Magkatabi pa ang mga kotse namin. Lumapit ako sa kanya. At tinapik ang balikat niya.

"Kung ako sayo. Sundin mo si Summer"

"Para ano? Maagaw mo siya saakin?"

"Bahala ka kung yan ang iniisip mo. Basta sundin mo si Summer. Sinabi ng doctor niya na dapat hindi siya maste-stressed o made-depressed. Mas nakakasama sa kanya yun"

Bago ako umalis sa harap niya, kinuha ko ang phone ko at pinakita ang date ngayon.

"Bukas na ang birthday ni Summer. Bukas na rin ang alis mo di'ba? Kahit yun lang ang iregalo mo sa kanya"
--*
[KINABUKASAN]

~Summer's POV~

*Kriingggg Kriingggg*

"HAPPY BIRTHDAY SUMMER"

"Ate? Tita? Law? Haru? Dom? Uh--- Thank you"

"Wait there's more" sabi ni Haru.

Pumasok si Autumn at Winter. Si Autumn ang may hawak ng strawberry na 2-layer cake. Si Winter naman ang may hawak ng carbonara at ice cream.

"Happy Birthday"

"Ugh! Thank you so much"

"Group Hug" -sigaw ni Dom

"Oopps! Oopps! Dahan-dahan masaktan si Babes ah" -Law

"Over-protective much? Yiee" -Ate Star

Natawa naman kaming lahat. Dito mismo sa kwarto ko. Dito kami kumain. Well, sila lang pala hehe. Kumuha ako ng sticky note.

xx-xx-xxxx

One of the best day ever

Dinikit ko yun sa pader. Bigla naman lumapit saakin si Law at may inabit na sulat. Nagtaka pa ako kung ano dahil kasama ng sulat ay may box na maliit. Una 'kong binuksan 'yung box. Kwintas yung laman niya at heart ang design. Nung una akala ko regalo ni Law... Hindi pala! Galing pala kay Rain. Nabasa ko kasi sa harap ng sulat.

Summer Aphrodite Lee

-Rain

Hi puso ko,

Sorry kung wala ako ngayong birthday mo ah? Ngayon kasi ang flight ko pabalik ng New York. Sa New York ko pa binili 'yang kwintas na yan. Nung nakita ko kasi naalala kita. Babalik ako ng New York na hindi man lang tayo nagkakausap ng maayos. Gusto kitang akapin at halikan pero siguro gagawin ko na lang yun pag-uwi ko. 'Wag mo 'ko ipagpapalit kay Law ah? Magpagaling ka. 'Pag uwi ko babalik tayo sa Baguio. Gusto ko pagbalik ko ikakasal na tayo, masyado bang maaga? Okay na yun. Kahit hindi muna tayo magkasama sa isang bahay. Basta kasal na tayo. Mamayang gabi skype tayo ah? Namimiss na kita puso ko. Kung pwede lang na 'di ako umalis eh. Kaso gusto ko maging masaya ka mahal kasi kita. 6 months lang naman. Hintayin mo 'ko ah? 'Wag mo muna ako iiwan. Hindi ko kakayanin. Sige na, masyado na 'tong mahaba. I miss you. I love you raw sabi ng puso ko. Happy Birthday Summer ko.

-Zeus Rain Santos
--*

(A/N) May naiiyak ba sa letter ni Rain? Ako kasi oo. Waaaaah! Habang sinusulat at tina-type ko 'to naiyak ako eh *insert hagulgol na iyak*

#RainLetter
#IHPHMFChapter56

I'm His Past, He's My Future (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon