Chapter 18.2

358 10 0
                                    

(A/N) Si summer yung nasa multimedia.

~Summer's POV~

"Ay nga pala anak may ipapakilala ako sa'yo. Nalaman ko sa tita niyo na malapit na ikasal si Star tapos ikaw hindi pa nagkaka-boyfriend"

"Ah opo! Totoo yun, sino yung ipapakilala niyo saakin?"

"Your fiance!" My what?

"Your fiance"
"Your fiance"
"Your fiance"

"Fiance? T-teka kelan pa ako nagka-fiance?"

Deja vu? Ano parang yung scene lang namin ni rain? Nagkakaroon ako ng boyfriend/fiancee ng 'di ko alam? Hindi ako na-orient. (See chapter 4)

"Anak, ipapakasal kita sa anak ng bussiness partner ko!"

"No! Hindi! Ayoko!"

"Wala ka ng magagawa ikakasal ka sa ayaw at sa gusto mo."

"Wala ka din magagawa kung ayaw ko. Hindi ako ikakasal sa kung sinong hinayupak na anak ng bussiness partner mo."

Napalakas na ang pagkakasabi ko at lahat na ng tao sa coffee shop nakatingin saamin.

"Lower your voice! Para sa'yo din 'to, para sa kompanya ko, baka nakakalimutan mo tatay mo ko?"

Nabingi ako sa sinabi nya!

"Baka nakakalimutan mo tatay mo ko?"

"Para saakin o para sa'yo? Tama si Ate makasarili ka, sarili mo lang iniisip mo. Wala kang kwentang tao, kung para sa kompanya mo... Edi ikaw magpakasal tutal ikaw ang may gusto at ikaw ang makikinabang at isa pa sa pagkakatanda ko wala na kaming tatay. "

Pagkatapos ko sabihin yun lumabas na ako. Bahala na kung saan ako mapunta.

~Star's POV~

Nakapagdesisyon na ako, ilalayo ko si Summer sa matandang hukluban na yun. Alam ko ang gusto niyang mangyari at hindi ako papayag sa gusto niya gawin kay Summer.

I'm His Past, He's My Future (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon